CHAPTER 49

204 15 1
                                    

HAILA'S POV

Gaya ng napag usapan ay pumaroon nga kami sa mall pagkatapos lahat ng klase namin .Sumabay ako kay Sir at may sarili namang sasakyan ang tatlo. Nauna na kami ni Sir na pumunta sa mall. Nakasunod lang din naman ang mga kasama namin. Hindi namin maiwasan ang mailang sa isa't isa. Ewan ko nga ba kung bakit. Siguro epekto ng naging away namin. Maayos na rin naman kami kaya kinakailangan kong masanay ulit.




"Bakit hindi ka kay Kenneth sumabay? Mukhang badmood ang loko ng makitang pasakay ka sa kotse ko e," ani nya habang nasa byahe kami. Hindi ko akalain na pati sya ay napansin iyon. Napansin ko rin iyon kanina kaso binalewala ko lang dahil baka nagkakamali lang ako.




"Bawal na bang sumabay sa'yo? Saka hindi ko alam doon, kanina pang tahimik. Parang, ayaw yatang makisali sa atin," sagot ko at tumingin sa labas ng bintana.


Kung tutuusin, talagang nakakapanibago na si Kenneth. Mula ng magkakilala kami, naging ganoon na daw sya ayon kay Luis. Nagpapakwento ako minsan sa kanila. Nalaman ko din na malimit nalang nyang pansinsin si Sir. Hindi kaya dahil sa'kin? Pero bakit naman?


"He's jealous."


"Psh! Bakit naman magseselos 'yun  kasasabi lang kanina na wala syang karapatan dahil nga hindi ko naman sya nobyo." Depensa ko.


"Tsk! Kaming mga lalaki, hindi basta-basta nagsasabi ng totoo. Kung alam naming wala kaming karapatan sa isang babae, mayroon parin sa amin ang concern. Sa pagkakasabi nyang wala syang karapatan sa'yo, gusto nya lang ipamukha na hindi sya natutuwa sa mga nangyayari. Halatang-halata na hindi sya komportable sa atin kanina. Gusto ko syang kausapin kaso hindi ko na ginawa baka masamahin nya e," bigla akong natigilan sa mga sinabi nya.




Paniniwalaan ko sya dahil mas kilala nya si Kenneth. Sa nakaraang pagsasama namin ni Kenneth, wala akong naramdama kundi pagkapanatag. Isang salita nya lang, kinaya nyang pakalmahin ang buong sistema ko. Ang lakas ng dating nya sa'kin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.




"Umamin na ba syang mahal ka nya?" Ayun na naman si Sir. Lalo pa akong nagulat sa tinanong nya. Paano nya nagagawang itanong ang bagay na iyon sa'kin? May napapansin na ba sya?


"Hindi pa."


"Mahal ka na noon, kilos nya palang halata na. Noong hapon na sumabay ka sa kanya, nakita ko kayo noon. Nakita ko kung paano ka nya ipagtanggol at yakapin. Sa ganoong kilos nya, makikita ng mahal na mahal ka na nya. Hindi lang ako makapaniwala dahil 'yung isang playboy na gaya ko, nagtino dahil lang sa isang babae," saka ito tumawa ng mahina.


Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat na ba akong matuwa? Pero kung natutuwa man ako, sana naramdaman ko na. Imbes na tuwa ang naramdaman ko ay iba. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.


"Bakit mo sinasabi ang mga 'yan sa'kin ngayon?" Sambit ko na makahulugan ang tingin.




Sumulyap sya sa'kin saglit bago inalis. Nagmamaneho kasi sya kaya hindi nya nagawang labanan ang tingin ko. Parang may kakaiba sa tono nya. Pakiramdam ko tuloy may pinapahiwatig syang hindi ko maintindihan.


"Gusto ko lang maging aware ka sa nararamdaman ng kaibigan ko. Kenneth is a very humble guy. Kaya lang naman 'yun naging playboy dahil sa impluwensya namin nina Luis. Noong una ayaw nya mapasali sa mga kalokohan namin dahil nga naloko din ang Mommy nya noon. Ayaw nyang may makaramdam ulit sa naramdaman ni Tita na sakit. But, as the time goes by, nawalan sya ng choice until nag-enjoy na sya," pagkwekwento nya sa'kin.


Kung tutuusin kasi, napakaamo ng mukha ni Kenneth. Hindi mo talaga mapapansin sa mukha nyang isa syang playboy. Noong nakaraan na nakasama ko sya ay lagi nya akong iniintertain. Hindi ako nabored o kaya naman ay naout of place. May sense ang mga sinasabi nya at napakainteresting din. Perfect syang maging boyfriend. Nasa kanya lahat ang gusto ko sa isang lalaki.


Babysitter Of A Playboy BOOK 1  (PLAYBOY SERIES #1) UNEDITED VERSIONМесто, где живут истории. Откройте их для себя