CHAPTER 75

158 17 1
                                    

RHAIVEN'S POV

Hindi ko alam kung tama ba na pinayagan ko si Haila na sumama kay Kenneth. Nagsisisi akong pumayag kung tutuusin. Malamang, malalason na naman 'yung utak ni Haila nang sa gano'n ay mapasagot niya ito.

"Ano, tutunganga ka na lang ba dito? Wala ka bang gagawin para maunahan si Kenneth, ha?" Usal ni Luis sa'kin. Umakbay ito sa'kin ng tumabi sa pagkakaupo ko.

"Sus! Tanggapin mo na kasi na talo 'yang manok mo, Luis. Tignan mo nga, napakatorpe." Alam kong ako ang tinutukoy ni Chris. Dinuro pa ako ng gago kaya tinignan ko siya ng masama.

"Isang bigkas mo pa ng torpe diyan, makakatikim na 'yang nguso mo sa'kin. Tss." singhal ko. Hindi ko na kasi gusto ang pagsasabi nito ng torpe sa'kin kahit totoo naman.

"Hahaha! Tanggapin na kasi ninyo na talo na kayo. Manok ko na ang panalo, halata naman na e," pagmamayabang ng loko na bahagya pang tumawa.Tsk!

"Tss. Huwag ka pakampante diyan, pwedeng magbago lahat. Ulul." Ani Luis. Sinulyapan niya ako." 'Buti at hindi kayo nagkarambola kanina ni Kenneth? Hinihintay naming makarinig ng kalabog kanina e pero wala naman." Tinutukoy nito ang pag-iwan nila sa'min kaninang naligo sila.

"Ang mga gaya ni Kenneth, 'di na kailangan patulan. Kawawa 'yun pagnagkataon. Tss!"

"Wow! Ang yabang ah!"

"Sinabi ko sa kaniyang support ako sa kanila pero once lokohin niya si Haila, talagang aagawin ko sa kaniya." Sagot ko. Nasa malayo ang aking tingin at inaalala ang usapan namin kanina ni Kenneth.

" Yun lang ang ginawa mo? Ang hina mo pala e." Inalis na ni Luis ang pagkakaakbay sa'kin. Mukhang nainis ito sa sinabi ko. Bakit, masama na bang gano'n ang ginawa ko? Psh!

"Hahaha! Tignan mo na manok mo."

"Bakit? Ano ba dapat? Sabihin ko sa kaniyang may gusto ako sa yaya ko? No way. Magiging hadlang siya sa mga plano ko kapag nagkataon. Kilala niyo si Kenneth, pag-usapang babae, hindi nagpapatalo." Depensa ko. Nakita ko ang pagiging palaban ni Kenneth sa babae noong nililigawan niya si Althea. Lahat ng damoves niya ay alam ko kaya kinakailangan kong lamangan.

"Edi maganda 'yung laban kapag gano'n. Maprapraning siya lalo at gagawin lahat para matalo ka niya. Kilala mo si Kenneth, may alam 'yun na hindi mo alam at may alam ka naman na hindi niya alam, gets? And, as if naman kung magpapatalo ka do'n sa manok niya." Duro niya kay Chris.

"Guys, walang-wala kayo sa manok ko, okay?" Naghand gesture pa ito kaya sa inis ay binato ko sa kaniya ang nahawakan kong unan. Talagang inaasar niya ako e. Hindi na ako natutuwa sa mga biro niya." Biro lang naman e." Reklamo niya at kumamot sa ulo. Tumama kasi 'yun sa mukha niya. Buti nga sa kaniya.

"Pwes, 'di ako natutuwa sa mga biro mo. Ulul."

"Naiintindihan kita kasi firstime mo magkagusto sa isang babae. Pero, Rhaiven, masiyado ka kasing torpe e, parang 'di ka lalaki." Prangka sa'kin ni Luis. Tatawa sana si Chris pero pinagbantaan ko siya ng kamao ko.

"Luis, oo alam kong torpe ako pero huwag mo namang ipamukha. At isa pa, wala akong alam sa panliligaw, okay?"

" 'Yun ang problema, but you need to try something new. Gawin mo 'yung mga hindi pa nagagawa ni Kenneth sa kaniya."

"Meron ba? Lahat na yata nagawa ng mais na 'yun."

"Mais?"

"Corny. Parang mais gano'n. Yawa! Ang slow niyo." Singhal ko. Simpleng nickname na naisip ko kay Kenneth 'di pa nila gets. Hayts!

"Tss. Masiyado kang jejemon." Ani Luis.

"Anong----"

"Sige na, puntahan mo na 'yung dalawa baka iiyak ka lang din kapag may nangyari sa kanila. Something like that. Hahaha!" Pananakot ni Luis sa'kin at alam ko ang ibig niyang sabihin.

Babysitter Of A Playboy BOOK 1  (PLAYBOY SERIES #1) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon