CHAPTER 32

224 19 1
                                    

Haila's Pov
 

"Naihanda ko na lahat ng mga school supplies mo, hija, kaya wala ka nang proproblemahin pa." Usal ni Maam Rachel at dinuro ang backpack na nakalagay sa kabilang sofa.

Hindi ko talaga inakala na sya pa ang maghahanda ng mga gagamitin ko. 'Yung dati kong pangarap, heto na ngayon't napagbigyan na ako. Hindi ko maitago ang tuwa na aking nararamdaman.

"Maraming salamat po talaga, Maam. Wala naman po akong nakikitang magandang rason para gawin nyo ang bagay na ito sa'kin," muntik pa akong pumiyok habang sinasabi ang mga iyon dahil nagiging emosyonal ako.

"Hindi ako doon bumabase, saka maliit na bagay ito. Determinado ka sa trabaho mo't nararapat lamang na mag-aral ang isang tulad mo na bata pa lamang. Basta ipangako mo sa'kin na pagbubutihin mo ito lalo na ang pagbabantay sa anak ko," usal nya at nginitian ako ng sobrang tamis.

"Opo Maam, pagbubutihin ko po talaga, makakaasa po kayo," pangako ko sa kanya at bahagya ko pang itinaas ang kanan kong kamay.

Ngumiti sya. "Huwag ka mahihiyang magsabi ng mga kailangan mo sa school sa'kin. Ienjoy mo lang dahil alam ko naman pangarap mo talagang makapagpatuloy ng pag-aaral," usisa nya't sinenyasan nga akong umupo. Sumunod ako sa kanyang gusto.

"Noon pa man po, pangarap ko na talaga. Kaya ganoon nalang ang gulat ko ng sinabi nyong pag-aaralin nyo ako. 'Yun din po ang ang isa sa mga rason kung bakit ako pumasok sa pagiging kasambahay," pagkwekwento ko. Palagi nalang sya interesado sa mga sinasabi ko. Nakakatuwa. Pakiramdam ko kaharap ko si Mama kapag ganito.

"Pinapahanga mo talaga ako, Haila, akala ko dati nagbibiro lang ang asawa ko pero hindi pala. Talaga nga namang palaban ka, hindi ka natatakot sa anak kong kahit babae pinapatulan," natawa pa sya ng mahina. Hindi na ako magtataka kung bakit pati sya alam ang ugali ni Sir. Madali kasing maisaulo  hindi talaga maiaalis kaagad sa utak mo.

"Noong una po, oo natakot ako pero kalaunan hindi na. Sa katunayan nga po, nagkita na kami ni Sir Rhaiven bago ako pumasok dito." Mungkahi ko't naalala na naman ang unang pagkikita namin ni Sir Rhaiven.

"For real?"

"Opo, muntik na nya kasi akong mabangga noon  sa may palengke. Gumawa ako ng eksena doon kaya imbes na bayaran ang mga tinda kong natapon, tinakbuhan nya lang ako," muling bumalik ang alaala ko sa unang pagkikita namin ni Sir.

"Ewan ko nga ba sa batang 'yun, hindi na nagtanda. But you know what, I'm really lukcy to have a son like him. Guess why? Sya 'yung pumupuna sa mga pagkukulang ko sa kapatid nyang si Rhaivee. He always do his best to make me proud of him. Alam mo bang takot syang bumagsak sa kahit anong subject nya dahil alam nyang magagalit ako?" Nasa malayo ang kanyang tingin habang sinasabi ang mga 'yun sa'kin.

Hindi ko maitago ang aking pagkakamangha. Paano nya napapasunod ang anak ng ganoon kadali, samantalang sa'kin halos magbangayan pa kami. Sabagay sya pala ang nanay kaya nararapat lang din na sumunod si Sir.

Puno ng paghanga sa mukha ko dahilan para matawa sya ng mahina."Hindi ko po akalain na ganoon po sya katakot sa inyo, Maam."

Sumagot sya na puno ng ngiti sa kanyang mapulang labi."Yeah, takot yata syang gumawa ng pagkakamali dahil sa'kin. He's cute, 'di ba?"

Tumango nalang ako dahil totoo naman. Bihira nalang ang mga binatang takot sa mga magulang nila. Ang iba kasi ay mas may karapatan pa sila. Hindi na nakikinig sa mga magulang kumbaga, nilamon ng bisyo ang kanilang utak.

"Kaya sana matagalan mo ang anak ko, lagod na din kasi kaming kumuha ng yaya sa kanya. Nahihiya na din kami sa agency nyo na pabalik balik sa iisang rason."

Babysitter Of A Playboy BOOK 1  (PLAYBOY SERIES #1) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon