CHAPTER 63

149 21 1
                                    

RHAIVEN'S POV

Nagdaan ang ilang araw na kinukulit ako nina Mommy at Rhaivee na makisali sa kanilang plano. Mukha ba akong interesado sa gimik nila? Tsk! Hindi ba nila magagawa ang birthday surprise ng hindi ako kasama? Ayaw na nga e pinipilit pa ako. Alam na nga nilang hindi ako mahilig sa ganoon. Like, nakakabored.






Dumaan rin ang ilang araw na bihira akong makisama sa kanila. Ewan, nasanay na yata akong mag-isa e. Well, tamang nood lang ng anime sa tabi. Mas gusto ko pa yatang ubusin ang oras ko sa panonood kaysa makipagplastikan sa Kenneth na 'yun.




Hindi naman nakakaligtas ang mga tingin na tinatapon nya sa akin. Kumbaga, gaya parin ng dati, nag-iisip malamang ng kakaiba.E kung totohanin ko lahat ng iniisip nya? Iyak sya panigurado. Hindi ko pa naman masasabi sa ngayon na talagang may gusto na ako sa yaya ko. Sometimes, naiinis lang ako pagmagkasama sila. Kumbaga, hindi sila bagay.






"Uy, lapit na pala birthday ng yaya mo, so ano wala kang gagawin?" Natauhan ako nang umalingawngaw ang tinig ni Luis. Narito kami sa may Bookstore, bumibili kami ng materials. Sinamahan nila ako tutal may bibilhin raw sila. Hindi ko na sila pinigilan pa, wala naman akong kasama e.




Napailing ako't tumingin ng cartolina na babagay sa project na gagawin ko."Tsk! Kailangan pa ba 'yun? Natapos na nga naming pagtalunan ng kapatid ko 'yan, itotopic mo ulit sa'kin?"




"Oh, bawal na bang magtanong, para naman matulungan ka namin if meron kang plano para sa kanya."




"Mukha bang meron?" Taas-kilay ko pa silang tinapunan ng tingin. Parehas silang napabuntong-hininga at nahalata na ang sagot ko sa aking kilos. "Si Kenneth na siguro ang bahala doon, sya ang mas nangangailangan ng tulong. Alam nyo naman ang praning na 'yun, masyadong corny sa lahat. Tsk! Kumbaga, jejemon! 'Di na nagtanda," pagpapatuloy ko.




Natawa silang dalawa. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Talaga naman kasing jejemon ang Kenneth na 'yun. Masyado syang outdated sa mga uso ngayon. Pormahan nalang yata nya ang sumasabay at hindi ang trip nya. Makaluma kung tutuusin. Hindi na ako magtataka kung makaluma rin ang surprise na kaya nyang gawin.




"Alam mo ikaw, napakakj mo, literal. Sarap mong pukpukin ng martilyo sa ulo e. Makakapotangina ka," singhal ni Chris.




"Bakit ba kasi kailangan pang mag-effort ako? Amo nya ako, trabaho ko bang isurprise sya? Tsk! Kung ganoon, ikakaltas ko lang din lahat sa sweldo nya."




"Wala manlang kaeffort-effort 'to. Akala ko ba nagbago ka na sa kanya? Ha?"




"Kaya nga pero wala sa usapan na pati birthday nya ay magplaplano ako."




"Ewan ko sayo, Mendoza, dakila kang kj. Kung sakit lang 'yan malamang ikaw na ang naunang namatay sa mundo," at sabay kaming naglakad papunta sa cashier. Nabili na namin lahat ng materials na kailangan.




"Tsk! Whatever," inirapan ko sila. "Mag effort kayo kung gusto nyo, huwag nyo kong isali," ani ko't diretso lang ang lakad.






Nang mabayaran namin lahat ay nagsiuwian na kami. Ramdam ko 'yung pagod sa maghapon na klase. Narito ako ngayon sa kama't nakahiga. Nagpagulong gulong pa ako na parang bata lang. May tatapusin pa akong presentation. Nakakabagot man pero kailangan kong gawin.




Speaking of Haila, hinatiran nya ako ng meryenda ko kanina. Ngiting-ngiti ang loko. Tsk! Bakit pa ako magtataka kung pati sya ay may sayad na. May sayad din naman ang praning nyang manliligaw. Gusto kong umiwas kay Kenneth dahil baka nga masapak ko sya. Baka madungisan pa itong gwapo kong mukha.




Babysitter Of A Playboy BOOK 1  (PLAYBOY SERIES #1) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon