CHAPTER 41

193 15 1
                                    

KENNETH'S POV

"Hinahanap mo na naman sya, no? Sus! Patay na patay sya kay Haila, Chris oh," biro ni Luis sa'kin ng mapansing aligaga ako.


"Naku! Mukhang iba na 'yan ah. Titino na ba ang isang Kenneth, ha? Baka magkasakit ka nyan, bro," asar nya din saka at nagtawanan silang dalawa.

"Tumigil nga kayo baka may makarinig sa inyo e, nakakahiya," sita ko sa kanila ng pabulong. May nakabantay pa naman na katulong sa di kalayuan sa'min. Mahirap na.


"Ngayon ka pa talaga nahiya e halos araw-araw na kayong lumabas ng magkasama e," depensa ni Luis at dinuro ako gamit ang hawak nyang tinidor.


"Manahimik nga kayo, ingay nyo e," inis na tugon ko at hindi na ako nag abalang kumausap sa kanila. Naging abala na sila sa pag-uusap samantalang ako hindi na nakisabat.


Pinagpatuloy ko ang pagsulyap sa paligid. Nagbabakasali kasi akong makikita ko sya. Namiss ko na sya kahit nakasama ko naman sya kahapon. Iba nga talaga pag-inlab.

At sa hindi inaasahan ay may nahagip ang mata ko. Pababa si Haila sa may hagdanan na may dalang basket na puno siguro na kanyang lalabhan. Tumayo ako kaagad at tinulungan sya. Napunta sa'kin lahat ng tingin pero hindi ko na 'yun pinansin pa. Nagulat naman si Haila sa ginawa ko.




"Tulungan na kita," alok ko sa kanya nang salubungin ko sya sa may hagdanan.

"Hindi na, Kenneth, kaya ko naman e," iniilag nya ang kanyang hawak na basket.




"Hindi, tulungan na kita," pangungulit ko.




"Naku! Nakakahiya naman,huwag na."






"Please?" Pagmamatigas ko. Wala na syang nagawa dahil nadala siguro sya sa pagpapacute ko. Hinayaan nya akong buhatin ang dala nyang basket. Sinundan ko sya papunta sa likod bahay kung saan sya maglalaba.






"Dyan mo nalang ilagay, salamat," ani nya at dinuro ang isang sulok kaya ibinaba ko ang dala kong basket doon. Hindi naman sya gaanong mabigat.




"Gusto mo, tulungan na din kitang maglaba? Matagal pa naman siguro kami maaasikaso ni Tita e."




"Huwag na. Mamaya pa naman ako maglalaba e maglilinis pa ako doon sa kwarto ni Sir," paliwanag nya sa'kin.




"Nakaligo na ba sya?"




"Naliligo palang, bakit?"




"Okay lang sa'yo na makita syang nakatapis?"




Sumagot naman sya."Ano ka ba, hindi na 'yun bago sa'kin no, wala lang naman 'yun sa'kin."




"Ahh ganoon ba. Eh pwede bang tulungan nalang kita doon sa taas para mas madali?" Alok ko ulit. 'Di ako mapapanatag kapag hinayaan ko syang pumaroon sa itaas .Nandoon si Rhaiven  baka may mangyari.




"Sige, ikaw ang bahala," ani nya at nagpauna na syang maglakad. Nang padaan kami sa kusina ay sumenyas ako sa aking mga kasama na sasamahan ko si Haila. Tumango naman sila bilang sagot.






Pumaroon kami sa kwarto ni Rhaiven. Tinulungan ko syang ayusin ang napakagulong kwarto ng kaibigan ko. Nagkalat ang mga napaggamitan nyang papel. Pati na rin ang mga sa t-shirt nya nagkalat sa sahig. Napakagulo din ng kama nya yung para bang nahagip ito ng bagyo. At sa hindi inaasahan ay lumabas ang aking kaibigan na nakatapis.






"Oh Kenneth, narito ka pala," tugon nya nang makita akong nagliligpit ng nga notebook sa kanyang studytable.




"Yeah, sinamahan ko na syang maglinis dito para mabilis," palusot ko.






Babysitter Of A Playboy BOOK 1  (PLAYBOY SERIES #1) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon