CHAPTER 45

179 15 1
                                    

HAILA'S POV

Ilang araw na ang nakalipas noong huli akong niyaya ni Kenneth na lumabas. 'Yun din 'yung huling araw na kinausap nya ako. Hindi ko alam kung pansin ng mga kasama namin ang pananahimik nya. Basta para sa akin, nagbago sya. Kung tungkol sa naging usapan namin, hindi ko ipagtataka ang kanyang mga kilos. Pero kung sa ibang bagay man ay hindi ko na alam.






Nagtuloy-tuloy ang pagiging mabait ni Sir sa'kin. Hindi ko alam kung ano pinakain ko sa kanya't naging ganoon sya bigla. Natutuwa naman ako pero mayroon sa aking ang paninibago. Hindi na tulad ng dati na anino ko palang inis na inis na sya. Mukhang nagbago na nga, kahit yata hindi ako gutom pinapalamon nya ako. Tinutulungan ko naman sya sa mga assignments namin na hindi nya maintindihan. Para kahit papaano ay masuklian ko ang kanyang kabaitan.




Nakwento ko kina Lola ang ginawang 'yun ni Sir. Maski sila ay nanibago. Huwag ko na daw angalin baka magbago pa sya't bumalik sa dating gawi. Mas okay na raw na sakyan ko ang trip nya. Masaya naman na syang kasama e. Hindi ko namamalayan na magdadalawang buwan na ako na nagtratrabaho sa kanya. Nakakataba lang ng puso.






"Tubig nga, nauuhaw ako," ani ni Sir ng nandito kami sa canteen kumakain ng lunch. Para na namang may pyesta sa dami ng inoder nya. Pero kung ako ang tatanungin, kaya kong ubusin ang mga ito. Nanonood rin kasi kami ng anime ni Sir. Tutal hindi ako pinapansin ni Kenneth ay inatupag ko nalang ang alaga ko.






"Hala, naiwan ko pala sa classroom 'yung tumbler nyo. Teka kukunin ko lang," pagpapaalam ko saka inalis ang headset na nakasalpak sa aking teinga. Hindi naman wirdo ang ganap namin dahil sanay na kaming nanonood ng magkasama. Bonding ng mag-amo kung ilalarawan ko.Hahaha!






"Tsk! 'Yan puro kasi anime nasa utak mo, may balak ka bang patayin ako? Ha?"  Singhal nya sa'kin.




"Sir, naman ang oa, naiwan ko lang 'yung tumbler nyo patay na agad?"




"Dami mo pang satsat, daliaan mo na, nauuhaw na ako e," hindi ko na sya sinagot at dali-daling bumalik sa classroom.




Pansin kong nagnanakaw ng tingin si Kenneth sa amin. Gusto ko man syang kausapin ngunit pinapangunahan ako ng hiya. Hahayaan ko nalang na sya ang pumansin sa akin. Hindi naman nya ako siguro matitiis.




"Hoy! Chakang babae," ani ng isang tinig ng minsan ay naglalakad ako pabalik sa canteen. Naiwan ko kasi 'yung tumbler ni Sir sa huling classroom na pinuntahan namin.




"Ano na naman? Magsasayang na naman kayo ng oras para sabihing malandi ako? Nagsasawa na ako, kayo ba hindi?" Walang ganang tanong ko. Inaasahan kong sila ang makakasalubong ko. Sino pa ba 'yung mga inggitera ng taon. Pagmag-isa ako ay lagi nila akong inaabangan at doon pinagsasalitaan ng masasakit. Hindi naman ako nag-aabalang patulan sila e. Tutal ako ang mas nakakaintindi, ako na ang umiiwas sa gulo. Hindi ko na rin sinasabi kay Sir dahil baka patulan nya ang mga ito. Masama na kung magkaroon ng away, kasalanan ko pa.






"We're very curious na kasi, magpinsan ba talaga kayo ni Kenneth? Mukha kasing hindi. Like, kung magpinsan kayo, ba't si Rhaiven ang kasama mo lagi? Hindi ba't nakakapagtaka?" Komento ng may pinakamakapal na makeup sa kanila.






Lagi nalang ganoon ang issue nila sa akin. Bakit daw si Sir ang kasama ko. Bakit daw hindi si Kenneth. Hindi ko alam kung dapat ba nilang pakialaman ang bagay na 'yun. Wala naman kasi akong makita na sapat na dahilan para malaman nila ang totoo. Pero mayroon na sa'kin ang pagsasawa. Nagsasawa na akong makarinig ng mga salitang hindi kanais-nais nula sa kanila. Sawa na ang teinga ko't maging ang utak kong umintindi.






Babysitter Of A Playboy BOOK 1  (PLAYBOY SERIES #1) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon