CHAPTER 24

227 21 1
                                    

RHAIVEN'S POV

"Kailan mo ako matatanggap bilang yaya mo Sir?" Hindi ko alam pero kinaya akong patahimikin ng tanong na 'yun ni Haila. Kakaiba sa pandinig at para bang may kirot na dumapo sa dibdib ko.


Bakit kailangan mong tanungin ang bagay na 'yan? Hindi ako handang sagutin ang tanong na 'yan. Alam kong masasaktan ko sya kapag nalaman nyang hindi ko sya kayang tanggapin. Oo, hindi ko talaga kaya. Hindi pa kaya ng puso kong tumanggap ng bagong tao na magiging parte ng buhay ko. Alam kong maiintindihan nya ako at the same time masasaktan ko sya.


Hindi ko sya sinagot. Nanatili lang ako nakatingin sa kanya ng makahulugan. Wala akong maisagot. Nalipad ang utak ko kung saan at hindi kayang mag-isip ng pwedeng isagot sa kanya. Kita ko sa mata nyang desperada syang malaman lahat mula sa akin.


"Alam mo Sir, nagpapasalamat pa rin ako kasi hindi mo ako tuluyang pinalayas dito. Nitong nakaraang araw na iniwasan mo ako, nandito 'yung kaba," duro pa nya sa dibdib nya. "Kinakabahan ako sa pwede mong gawin lalo na't nagagawa mo daw lahat ng gusto mo kasi pinagbibigyan ka lagi ng tatay mo. Kung alam mo lang 'yung rason ko, Sir, kung bakit kailangan kong magmakaawa, magkaroon lang ng trabaho," kita ko ang pagpipigil nya sa luha nya. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan nya.


Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya. Naaawa ako at nakokonsensya. Para bang may kumurot sa may dibdib ko sa mga sinabi nya. Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko kung bakit ganoon nalang kabigat ang mga salitang 'yun. Nasasaktan sya at 'yun ang sinisigurado ko.


"Mas mahirap pa nga ako sa daga e," pagpapatuloy nya at bahagya pa syang natawa. Pero kita ko sa tawa nito na may halong bigat sa pakiramdam. "Sa edad kong ito dapat nasa paaralan ako, nag-aaral, kaso hindi. Kakambal ko na yata ang malas kung tutuusin. Hindi ko pinangarap 'yung ganitong buhay pero ano pang magagawa ko, nandito na 'to."


"Nasaan ang mga magulang mo? Dapat sila ang nagtratrabaho at hindi ikaw," tanong ko. Nagkaroon ng madaming tanong ang utak ko. Para bang gusto kong malaman lahat tungkol sa kanya pero hindi ko alam kung saan magsisimula.


Ngumiti muna ito ng pilit bago ako sinagot.


"Mahabang kwento, Sir," saka ito bumuntong-hininga."Hindi ko naman dapat gawin lahat to pero kinakailangan. Ayokong pulutin kami sa bangketa. Ayokong magutom kami at mas lalong ayokong maging mahirap habambuhay," "hinimas nito ang dalawang palad. Kita sa mukha nyang seryoso sya sa lahat ng binabahagi sa akin.


Hindi ko alam kung paano nya ako napapatahimik sa mga salitang binitawan nya. Wala akong alam na isagot maski isa. Ngayon ko lang sya nakita na ganito. Parehas pala kaming kahinaan ay pamilya. Para bang bumabalik lahat ng mga kalokohan ko sa kanya at unti-unting nakakaramdam ako ng pagsisisi.


"Buti ka pa nga hindi nakaramdam ng gutom, ng hirap at ng sakit. Hindi mo naranasan mawalan ng kakainin. Hindi mo naranasan magmakaawa, huwag ka lang palayasin sa tinutuluyan nyo. Pinangarap ko 'yung buhay na nasa iyo Sir, pero mukhang imposibleng mangyari 'yun sa akin. Pero ang bait parin ni Lord kasi alam mo po dinala nya ako dito sa inyo. Kaso nga lang hindi mo ako tanggap, " pagdidiin nya sa huling salita kaya napatingin ako sa kanya. Nakayuko sya at pinipigilan maging emosyonal sa harap ko.


"Why are you talking like that? Nang-aasar ka ba o nang-iinsulto?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili na singhalan sya. Nakakainsulto ang dating noon sa akin. Lahat ng awa ko sa kanya ay naglaho dahil sa sinabi nya.


"Mukha ba ako nang-iinsulto? Hindi naman po ah, nagsasabi lang po ako ng totoo."


"Well, it's not funny! Kung makadrama ka kanina akala mo naman namatayan ka tapos ngayon ganyan ka? Tsk! Get lost!"


Babysitter Of A Playboy BOOK 1  (PLAYBOY SERIES #1) UNEDITED VERSIONNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ