Kabanata 2

22 0 0
                                    

"Tulong!... tulong!... tulong!"

"Tulungan n'yo ko!, please!... " rinig kong sigaw ng isang babae.

"Ahhh!!!", napasigaw ako at mabilis na napabangon sa kama dahil sa narinig ko. Napahawi pa ako sa mahaba kong buhok, tinungo ko ang bandang paanan ng kama at naupo do'n sandali.

"Gosh!, a nightmare again." Mahinang bulalas ko. Gabi-Gabi na lang akong ganito sh*t.

"What's that sound?" Napakunot naman ang noo ko, may narinig kasi akong kumalabog sa labas ng kwarto ko. It's exactly three in the morning nang tumingin ako sa wall clock. Tahimik, dahil tulog pa ang mga kasam-bahay namin. Lumabas ako sa kwarto para sana pumunta sa kusina at uminom ng tubig.

"O Max ikaw pala 'yan!, come here baby." I called my Siberian husky dog named Max. Kasabay no'n ang pag-ihip ng malakas na hangin, nagsitayuan pa ang mga balahibo ko sa braso. What's that feeling?

I arched my brows when Max didn't come with me kapag naman nakikita ako ng alaga ko lalapit agad siya. Tumalikod sa 'kin si Max. My baby ignored me. Tuluyan na siyang umalis sa harap ko pero sinundan ko siya pababa.

"Max!, Max!" Tawag kong muli sa aso ko. Hindi ko naririnig ang bell na nakalagay sa leeg niya. Tumungo muna ako ng kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos no'n ay pumunta ako banda sa salas at nakita siyang nasa ibabaw ng kulay gray na couch na para ba'ng may kaharap siya.

Kinikilabutan na ako sa ikinikilos ng aso ko but I don't mind that ano pa't palagi naman akong nakakakita ng mga nawalan na ng buhay dahil na rin sa trabaho ko. Sinong hindi lalakas ang loob do'n!

Umihip muli ang hangin sa loob ng bahay namin kahit nakasarado naman ang mga bintana at pinto. Nilapitan ko si Max pero bago 'yun ay may napansin na akong babae patungo sa itaas. Biglang kumahol si Max dahil alam rin ng aso ko kung saan ako nakatingin. I didn't know that I'm not the only one who see that lady in white.

Walang ibang babae sa bahay kun'di ako, si mommy at ang dalawang naming kasam-bahay na si manang Esme at Lolita. How come that we have a visitor in the middle of three in the morning?

Napalingon ang babaeng nakaputi dahil sa malakas na kahol ni Max hindi ko nakita ang buong mukha ng babae dahil agad itong pumanhik sa itaas.

"Good morning Ms. Cor--- f*ck what's that!" Inis na sabi ko nang may marinig na kung ano sa tainga ko.

"Calm down babe." Narinig ko ulit ang boses ng lalaki."who are you d*ck---hey!, hey!, your mouth ako 'to si Agent Marcos." I heard Police Inspector Leonel Marcos on the line.

"You're inventions again Marcos! Hindi ko naman kailangan nito." Tukoy ko sa maliit na piraso na gadget na nakalagay sa tainga ko. Maliit lang iyon na parang earphone.
"You need that para mabantayan kita." Seryoso ang pagkakasabi niya.

"Kaya ko na ang sarili ko."

"Basta lagi mong isusuot 'yan." Ang kulit niya.

Kumunot naman ang noo ko, natutulog pa ba ang lalaking 'to?

"Why are you awake in the middle of three o'clock in the morning boss? And I heard your voice. Bakit ka napasigaw kanina?," hindi agad ako nakasagot ang dami niyang tanong. He invades my privacy with this small piece gadget made by him. Argh!

"Siguro napanaginipan mo na naman ako Boss." Humalakhak pa siya sa kabilang linya. "Dream on Marcos! Wala akong paki!, hindi 'yon tungkol sa 'yo at baka nakakalimutan mong mas mataas pa rin ako sa 'yo."

"Okay, okay haha" I heard his laugh. Bakit ang ganda sa pandinig ko?

"Bakit gising ka pa? Natutulog ka pa ba?" Biglang tanong ko sa kanya.

"I thought you're not caring about---it's three in the morning magkasama pa tayo kaninang alas-onse ng gabi. I'm your superior I command you to rest." Agad na sabi ko dahil baka saan pa mapunta ang usapan na 'to.

"I think about something, I want to tell abou---- Hindi ba't sinabi kong wala akong panahon sa mga ganyan at ayoko ng manliligaw." Seryosong sabi ko.

"No, I mean it's not about that Captain Coronel, I just want to say something about the case we're going to resolve."

I bite my lower lip and dig my forehead weakly because of what I've heard from him. I quickly throw that thing from my ears.

Bakit ba kasi ang dami-dami niya pa'ng sinasabi.

Nakakahiya ka Maria Clara Coronel!

2-2-21
MissMakataFilipina

Celestine (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن