Kabanata 12

5 0 0
                                    

"Ano ba'ng sinasabi mo Inspector? Ako nagseselos, bakit ko naman mararamdaman 'yon?, Ano ba tayo?!," Hindi ko na napigilang bitiwan ang mga salitang iyon. Tumingin lang ako sa gawi niya sapat na para makita ang reaksyon niya. Oo nga't wala naman talagang mayroon sa amin ngayon. He cared for me but nothing esle masyado lang siguro akong umasa na mayroon nga.

Tatalikod na sana ako dahil mukhang wala naman siyang sasabihin sa'kin, nagsasayang lang kami ng oras kung pareho naman kaming abala.

"Oo nga, bakit ka magsi-selos, e hindi mo naman kasi ako binibigyan ng pagkakataon na ipakita 'yon, Clara. Why I assumed some things na alam ko namang... hindi magbabago, after all those years ang akala ko matutuhan mo ulit akong mahalin o ipaglaban man lang." Napangisi siya. Na-istatwa ako sa mga sinabi niya bago niya ako iniwan. May nagbabadya ng luha sa mga mata ko kaya tumingala ako para pigilan iyon pero hindi ko nagawa. Tuluyan na iyong bumagsak.

Hindi ako umiyak sa harapan niya. I always show my strongest personally to others. Nakakaya ko naman iyon.

Pagkatapos no'n ay dumiretso na lang ako sa office ko at sandaling naghilamos dahil ayoko ng usisain pa ng iba kung sakaling may papasok sa office. Inabala ko ang sarili sa panibagong kasong hawak ko.

Kung hindi na kami magkaka-usap pa ako na lang siguro ang tatapos ng naumpisahan namin nakakuha na rin naman kami ng ilang ebidensya pero halos nasa kanya yata ang mga 'yon.

Bigla akong nawalan ng lakas ng loob na harapin siya dahil sa nangyari.

I want to cry and say what I want to say to a person that can understand me, at kaya akong pakinggan kahit ano pang hinaing ko. I want it to be Leonel pero sinira ko agad-agad. I am a coward iyon 'yon ni hindi ko nga siya nagawang ipagtanggol kay daddy noon. Naging sunod-sunuran ako.

Pinalis ko ang makukulit na luhang tuluyan ng bumagsak.

Chief Sebastian Coronel was a manipulative person even mommy napapasunod niya pero minsan si mommy na rin ang sumusuko pero si daddy naman ang habol ng habol sa kanya. We have a good life after all but one tragedy that makes only my life miserable. Kung hindi nawala si kuya Clark ay masaya pa sana kami.

"Captain Coronel?!," Rinig kong may tumatawag sa labas. "Come in!" Sigaw ko. Agad bumukas ang pintuan, bumungad sa'kin si Sanji at Cliffton dala ang magkaibang kulay at makapal na folder. May bukod pa na hawak si Sanji sa kamay pero hindi ko maaninag kung ano iyon pilit niyang itinatago sa likod ng folder. "Capt, umiiyak ba kayo?" Sanji asked.

"Ha?," Sagot ko. Napadampi ang palad ko sa pisngi. Hindi pa pala ako nakakapag-punas ng luha ko. "Hindi ako umiiyak, napuwing lang ako." Matigas na sabi ko pagkatapos ay iwinaglit na ang tingin sa kanila.

"Grabe namang puwing 'yon." May binubulong yata si Cliffton kay Sanji.

"Ano 'yon may sinasabi kayo?"

"A-ahh wala po Capt. Heto po pala pinapaabot ni Inspector Marcos." Bakit dalawa pa sila?

"Paki-lapag na lang sa kabilang table, pwede na kayong mauna, ayoko munang ma-istorbo. Salamat." Hindi ko na inabala pang lingunin sila nang mailapag nila ang folder. Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan.

Nakakailang oras na ako sa pagrereview ng ibang mga kaso at inabot na rin ako ng dilim. Napahawak ako sa leeg dahil sa ngawit sabay pikit sandali ng mga mata. "Sino 'yan?" Sambit ko dahil biglang lumangitgit ang seradura ng pintuan kaya napabalikwas ako at humarap doon. Walang sumagot kaya tinuloy ko na lang ang pag-iinat.

"Sino ba 'yan!!!," Bulalas ko dahil sa inis. Naramdaman kong tumaas ang mga balahibo ko sa braso wala kasing sumasagot. I stand up and walk towards the door. Pagkabukas ko ay sumilip ako sa mag-kabilang side pero nakakapagtakang ang tahimik ng pasilyo. "Captain Coronel." Napaigtad ako sa paghawak ni Sanji sa balikat ko. Bakit ba nagiging magugulatin yata ako?

"Hi Captain ah... Ano kasi,"

"Ano?" Tanong ko.

"Ah capt. pinapatanong kasi ni Inspector Marcos kung nabasa mo na daw po 'yong dinala naming mga documents." Umiling lang ako. "Tell him that I'll read it later, officer Balderama. Thank you."

"Gano'n ba captain sige po, noted." Naka-ngiting sabi ni Sanji no'n na kaagad din na bumalik sa office nila.

Napahawak ako bigla sa pin ko na nakasabit sa pinaka-gitna ng uniporme ko. Lumabas muna ako at hindi alam kung saang banda ng police department ako pupunta. Hindi ko akalaing may nalalaman si tito Augustus sa mga pinag-gagawa ko, namin ni Leonel.

May kinalaman ba si tito Augustus sa mga nangyayari?

"Ewan!," Mahinang bulalas ko.

"Good evening Captain."

"Hi Captain."

Nginitian ko na lang ang mga kasamahan ko. Malaki ang paggalang ng mga lalaking pulis sa aming mga babaeng pulis dito. Nakakatuwang maging isang Captain Maria Clara Coronel. Is really good to be a police woman, noon ay sa office lang ang buhay ko.

Hindi ko naman mararating ito kung hindi ako tinulungan nila mommy at daddy and also kuya Clark kahit noong makapag-tapos ako ng high school ay si kuya pa ang humanap ng magandang university para sa'kin and that was the time I met Leonel Marcos his my kuya Clark's bestfriend. I was first year college that time and Leonel too, kwento ni kuya matagal na silang mag-kaibigan ni Leonel since high school pa daw ang kaso ay huminto si Leonel dahil hindi na pa kayang tustusan kaya pareho kaming first year college noon at si kuya Clark ay fourth year at grad-waiting na.

Bringing back the unforgettable moments was giving me a simple smile. Kahit minsan ko lang naman iyong ipinapakita. I was a temper woman back then.

"Celestine, anak." Nawala ako sa wisyo nang may nagsalita kaya nilibot ko ang paningin ko. Namalayan ko na lang na nasa jailed area na ako. Tumingin ako sa tumawag sa akin.

It was Mang Romeo iyong nahuli namin, ilang linggo rin nawala sa isip ko iyon. Gusto kong manghingi ng dispensa sa kanya at ako na ang bahala na maayos ang kaso niya. Napaka-galing ng Kiervo na 'yon para gumamit pa ng ibang tao.

Nakalitaw ang mga kamay ni Mang Romeo sa mga rehas hindi ko nga siya nakikitaan ng lungkot sa mga mata at titig na titig sa akin. "Mang Romeo."

"Hija."

"Ako ho ba ang tawag n'yo?" Tumango ito. "Ah hindi po Celestine ang pangalan ko." Mataman akong ngumiti sa kanya. "Ay gano'n ba hija... Nalimutan ko na yata." Ngiti niya sa'kin. "H'wag kayong mag-alala Mang Romeo ako na ho ang bahala para mailabas kayo rito. Pasensya na ho talaga sa inyo." Paumanhin ko

"Halika rito hija." Tawag niya kaya lumapit akong bahagya malapit sa mga rehas. "Ayos lang iyon, may awa ang diyos."

"Alam mo ba kaya kita natawag sa ibang pangalan dahil naalala ko bigla ang anak kong babae." Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Napaka-sweet no'n at maganda rin kagaya mo, siguro ay magka-edad lang kayo kaya lang maaga siyang nawala." Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng sobrang lungkot at naramdaman na lang na may tumutulong luha sa mga mata ko.

"Tay! Ako ito si Celestine."

Magulo isip ko haha.
[Not edited]
5-4-21
MissMakataFilipina🌸

Celestine (Completed)Where stories live. Discover now