Kabanata 4

9 0 0
                                    

Napabangon ako sa pagkakayuko sa office table. "Argh!, my head, it hurts again?," napatanong na lang ako sa sarili ko at tumingin naman sa orasang nakasabit sa wall ng opisina ko. Alas-sais na at naalalang naka-duty nga pala ako.

Naka-tulog pala ako.

Sandali akong nag-inat at sumilip sa bintana. "What did I do last time? Nasaan ba ako kaninang tanghali?," hindi ko man lang maalala kahit pilit kong binabalikan.

"Good evening Ma'am,"

"Good evening Ma'am Coronel." Salubong sa 'kin nang ilang mga officers. We saluted to each other and I continue to walk going to quarter's comfort room. Nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

Medyo inaninag ko pa kung sino iyon dahil hindi ko rin suot ang salamin ko. Hindi naman masyadong malabo ang mga mata ko, minsan ay gusto ko lang iyon na isuot.

"Ma'am Clara, Good evening po ...A-ah," he's stammered.

"Ano 'yon Balderama?," agaran kong sagot. Napa-kamot naman siya sa kanyang batok bago muling nagsalita.

"Ah Ma'am pinapatawag po kasi kayo ni Chief Coronel sa office niya." Hindi ako naka-react agad. Ano na namang ginawa ko?

"Oh sh*t!," daing ko at napa-tapik sa noo. "Ah, Ma'am nga po pala ayos na po ba kayo? Okay na po ba ang pakiramdam n'yo?," wala sa sariling tumango na lang ako, na para ba'ng alam nito ang nangyari sa 'kin  "Sige po." He said before leaving.

Mabilis lang akong naghilamos at nagtungo na sa office ng chief na siya ring ama ko.

Naka-upo siya sa pwesto niya at parang hinihintay talaga nito ang pagdating ko. I stand straight with poise while him still seated on his swivel chair. He stare at me sharply

"So how are you young lady?,"

"Good evening dad." I didn't answer his question but greet him rather. Napansin kong may tinitingnan siya sa cellphone niya. Nanatili naman akong nakatayo roon sa may tapat ng pinto dahil wala pa siyang sinasabi.  "Aray!," I hissed. Someone push the door. Sino ba'ng herodes iyon!

Umusod ako at masamang tiningnan ang pumasok. "Hi Ma'am," it's Officer Balderama. "Sir!," he called the attention of my father. Sumilip naman muli sa labas ng pinto ang officer. "Sir halika na."

I saw a tall man.

Inspector Leonel. What?

"Good evening Sir!," I heard his masculine voice. It's good to my ears. I mean no, never!

"Maiwan na kita Inspector, goodluck sa 'yo sir, gabi na naman. Simula na naman ng gyera." They both chuckled. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ni Balderama kahit hindi ako sigurado kung ako ang tinutukoy niya ay nakaramdam ako ng inis. Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. Nakangisi pa ang loko'ng inspektor. I rolled my eyes on him.

"Good evening." My dad said in a formal tone. "Both of you please be seated." Ma-awtoridad nitong sabi sa amin kaya umupo na kami sa magkaharap na upuang naroon malapit sa mesa niya.

Bigla yata akong kinabahan.

"Inspector ...thank you." Lalong dumiretso ang likod ko kahit naka-upo dahil sa narinig mula sa aking ama. What's the reason of saying thank you? At kailangan na nandito pa ako sa harapan nila. Mas anak pa yata ang tingin ng ama ko sa lalaking 'to.

"And, you lady,  thank him for taking care of you while your drunk." Kumunot lang ang noo ko kay daddy pagkatapos ay bumaling kay Leonel na para ba'ng isang maamong tuta.

Pasalamat siya't nandito ang ama ko dahil kung hindi makakatikim sa 'kin ang isang 'to. Kainis!

"So what now?, I want to hear it at may sasabihin pa akong mahalagang bagay."

"Thank you Police Inspector Marcos." I formally said. Nakita ko muling sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. Naka-pirmi ang magkabila nitong palad sa mga tuhod habang dala-dala parin ang magandang tikas nito. "You're welcome as always Captain."

"Ok, kaya ko kayo pinatawag ay para sa panibagong misyon ninyo. I know both of you are excellent ...great kaya may tiwala akong magagawa ninyo ito." Magkahugpong ang mga kamay na sabi ng aking ama.

We need to plan a set-up for a man named Kiervo iyon daw ang alyas at ibinigay sa amin profile. He's a drug lord medyo mailap daw ang isang 'yon pero bakit kami and naatasan? Hindi sa nagrereklamo ako sa panibagong misyon na ito.

Pero baka pumalpak na naman o mabulilyaso. Argh!, No!, 'wag ka'ng mag-isip ng ganyan Clara. You will never fail on this one. Swear.

"So that's all?," Chief ask to clear something.

"Nothing Sir," Leonel and I said in unison. Daddy chuckled. Pareho pa kaming nagulat, napa-awang lang ang labi ko. Handa na rin sana akong tumayo at sumaludo sa aking ama nang hindi na pinapansin si Leonel pero nagsalita muli ang aking ama.

"By the way Inspector Marcos is always on your side Clara within two weeks."

"What?!"

2-9-21
MissMakataFilipina

Celestine (Completed)Where stories live. Discover now