Kabanata 11

6 0 0
                                    

Nagmamadali akong naglalakad papunta sa office ni daddy. Mabilis ang lakad na ginawa ko pero nananatili pa rin ang pagiging matikas. Maingay rin ang suot kong sapatos na may kaunting takong. Nadaanan ko rin ang ibang office na busy.

Natapos na ang pagbabantay sa'kin ni Leonel. Wala naman akong ibang ginawa na ikaka-init ng ulo ni daddy.


Nang makalapit ako sa may tapat ng pintuan ng office ay kumatok ako narinig ko naman na lumangitngit ang seradura ng pintuan tanda na may nagbukas no'n. May importante bang kausap si daddy ngayon? Nakompirma ko iyon ng makapasok na ako sa loob. "Good day po chief and to all." I greeted them. Natigil ang pag-uusap. Nginitian naman ako ni tito Augustus Esquivel katabi ang anak niyang si Monica Esquivel. Ngayon ko na lang ulit siya nakita, well ganoon pa rin naman siya, maarteng piling maganda. Yes she is beautiful and intimidating pero nasobrahan naman yata. Panaka-naka siyang tumitingin sa gawi ni Leonel. Hindi na nakaligtas sa paningin ko ang bagay na iyon.

Nagawi ang tingin sa'kin ni Monica hindi niya siguro ako napansin kanina. Handa na sana akong ngumiti sa kanya nang bigla niya akong taasan ng kilay. I know with that look kaya bago niya pa magawa ang gagawin niya ay inikutan ko na siya ng mata at dire-diretsong umupo sa tapat niya. Hindi nakita ni daddy at tito Augustus iyon dahil busy ito sa pag-uusap. Ramdam ko naman na nakatingin  si Leonel. Magkatabi kami pero hindi ako tumitingin sa gawi niya. "That's my babe, palaban." Mahinang sabi niya at sapat na para marinig ko. Bigla yatang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niyang iyon.


"Ouch!," Tinapakan ko ang kaliwang paa niya sa ilalim ng lamesa. Inayos ko naman ang upo ko. Bahala siya.


"What happened Inspector?," Tanong ni daddy sa kanya. "Nothing sir may  langgam... lang na pumasok sa sapatos ko."  Nakayuko kasi siya hawak ang bandang paanan. "Oh that's cute." Komento ni Monica rinig ko namang tumawa siya tuwang-tuwa pa yata sa sitwasyon ni Leonel. Papansin.


Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng ngitian pa pabalik ni Leonel si Monica. If I'm not mistaken she likes him since college but Leonel always ignoring Esquivel dahil ako palagi ang sinusundan.


"Okay I want you to know that Monica needs an assistance from us. Dahil anak siya ng gobernador which is my friend Augustus Esquivel. This is a formal event." Ini-abot naman sa akin ni daddy ang black envelope na may naka-ukit na mga letra, kulay ginto ito. Elegante talaga ang pagkaka-disenyo ini-abot ko kay Leonel at ipinasa niya sa iba pang mga kasamahan namin.


"It's a one day duty. Kailangan n'yo lamang ay bantayan ang mga uma-aligid kay Ms. Esquivel sa mismong party na iyon dahil nababahala na ang pamilya niya para sa kaligtasan niya." Simula ni daddy. Naalala kong naka-uniform si Monica ng pulis ang akala ko talaga ay totoo. Bahagya akong umiling para di na isipin iyon baka naisipan na naman niyang umarte. Nakinig na lang ako ulit.

"Ah chief Coronel, May I ask if we need to be formal in that party? I mean is we need to be suited a tuxedo and a formal dress?" Leonel asked. Bakit pa niya tinanong.


"Oh! I forgot," tumingin si daddy kay Leonel. Nagiging civil naman sa harap ni Leonel si daddy. "Yes you will be in a formal clothes on that day so you won't recognized as easy." I heard what my daddy said. Napa-pikit mata na lang ako. I don't like to dress up like that. Hindi ako sobrang komportable. Napatingin ako kay Leonel he knows about that ever since. He even greeted his teeth while eyeing me. Mapang-asar siya at napipikon naman ako. Agad din siyang tumingin kay daddy. "By the way thank you chief." Nahuli ko siyang ngumiti nang dahil do'n.



Marami pang mga pina-alala,  bumulong lang si tito Augustus at pagkatapos no'n ay sinabi ni daddy na tapos na ang meeting. Nauna na rin ang ibang officer na lumabas.


Patayo na sana ako kasabay ang seryosong awra ni Leonel. Alam kong sinasadya niyang gawin iyon. Napangiti na lang ako at inayos na ang inupuan ko kanina bigla namang sumenyas si daddy sa gilid. "Chief?," I uttered formaly. Sabay kaming napahinto ni Leonel.


"Your tito Augustus wants to talk to you, baka may papa-alala. And you Inspector can you accomodate Miss Esquivel for a minute." Lumihis ang tingin ni daddy sa nasa likuran kong si Leonel. Tumalikod na si daddy pero bago naman makalapit si Monica sa puwesto niya ay bigla siyang yumuko at umaktong nagsisintas ng sapatos?


"I'll go first babe, see you later." Bulong niya pero sapat para maramdamang nag-iinit ang mukha ko sa sinabi niyang endearment. Mabilis akong tumalikod no'n para hindi niya mahalata. Nagpapakilig siya ng ganoon pero napakalandi kung makatingin sa iba. Kumapit rin ito sa braso ni Leonel.



"Hija." Nabaling na ang tingin ko kay tito Augustus prente siyang naka-upo sa kulay itim na couch. Kami na lang ang narito hindi ko kasi namalayang lumabas din si daddy. Ano ba ang dapat naming pag-usapan?



"Have a sit hija mangagawit ka niyan." Umupo naman ako kaharap niya. "Ano po ba'ng pag-uusapan natin tito? May maitutulong ba ako?," Ngumisi siya at sinimsim ang wine na nakapatong sa small round table bago muling mag-salita. "Nothing hija maybe I just want to thank you in advanced for my daughter's safety. Minsan kasi ay kailangan din nating mag-ingat sa mga bagay-bagay lalo na kung magdadala sa'tin ng kapahamakan." Medyo hindi naging maganda ang pakiramdam ko sa huling sinabi ni tito, parang may laman ang sinasabi niya.


"What did you mean tito?" I curiously asked.


Umayos siya ng upo at biglang sumiryoso ang mukha. "Oh don't mind me hija it's nothing." He laughed. Hindi ako naniniwala. May dinukot siyang bagay galing sa bulsa ng business suit niya nakita kong kuminang iyon nang matama sa liwanag. At nang inilahad ni tito Augustus iyon ay wala sa sariling nanlaki ang mga mata ko.


It was my pin, I know its mine. It is designed by a bunch of tulips it is a pure gold with a diamonds around it. How come... Paanong nasa kanya iyon?


"It's so beautiful hija 'no." It's not a question its a statement. Diretso ang tingin sa akin. "Ah... Yes tito." Marahang sagot ko. I'm nervous, that's what I feel. "Saan po galing iyan?," Tanong ko na diretso ang tingin sa kanya, pinapalakas ang sariling loob para hindi malaman ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.


"Hindi ko nga rin kilala kung kanino ito hija, ikaw... kilala mo kung sino?," pagkatingin niya sa pin ay lumihis na sa'kin na para bang alam niya kung kanino iyon. Naramdaman ko muli ang pagkalabog ng dibdib ko.


"Ah... Ah alam ko kung kanino 'yan." Sambit ko. "Sa iyo ito 'di ba. Paano kayang nasa kamay ko ito kung sa'yo naman pala ito? Saan ka nagpunta kagabi?" Umawang lang ang mga labi ko sa tanong niya at hindi naiwasang kumunot ang noo.

What does he mean?


"Hindi na ako magpapaligoy pa Captain Clara... Anong ginagawa mo sa quarters na 'yon? May hindi yata nalalaman si Sebastian tungkol sa prinsesa niya, tama ba ako Clara?" Hindi ako makapag-salita.



Ikinuyom ko ang kanang kamay at huminga ng malalim. "Oo akin nga iyang pin." Pag-amin ko. Wala namang dapat ilihim sa kanya. "Bakit naman interesado yata kayong malaman pa kung nandoon ako? Bakit may alam ba kayo?," Balik ko sa kanya nanatili ang seryoso kong mukha sa harapan niya. Kita ko ang gulat sa mukha niya at binitawan ang pin sa round table.


"Hindi mo pa ako lubos na kilala Clara. Mag-iingat ka." Huling sambit niya bago nagbukas ang pinto ng office at nakitang nagtatawanan si Leonel at Monica. Hindi ko pinansin ang dalawa ang agad na tumayo. "Excuse me tito, marami pa po akong aayusin, I go ahead." Sabi ko sabay kuha ng pin ko sa lamesa. Hindi ako nasisindak sa kanya kahit matalik na kaibigan pa siya ni daddy.



"Clara... I mean Captain!," Tawag sa'kin ni Leonel pero hindi ko siya nilingon bahala siyang kapitan ng ahas. Sinusundan na niya ako pero bilisan ko pa ang lakad ko kaya lang nasundan niya rin ako. Hiniwakan niya ako sa braso. "Babe, ano ba bakit hindi mo ako pinapansin? We're okay 'di ba." Ayokong tumingin.


"Answer me, are you jealous?,"


4-24-21
MissMakataFilipina🌸

Celestine (Completed)Where stories live. Discover now