Kabanata 8

3 0 0
                                    

"Tulungan mo ako Clara! Please kailangan ko ang tulong mo!,"

"Binaboy nila ako... At ginawan ng masama. Tulungan mo ako, ako si Celes---!!!,"

"Bakit ako?!,"

"Clara, honey wake up!, Wake up!," naramdaman ko na may taong yumuyugyog sa akin dahilan para imulat ko ang mga mata ko. Pagkamulat ko ay si mommy ang nabungaran ko naka-upo siya sa may gilid ng kama ko at kita sa mukha niya ang pag-aalala. "Hija, anak what's wrong?, Kinabahan ako dahil akala k- I'm sorry mommy I made you worry about me."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Ini-abot niya sa'kin ang isang baso ng tubig na nasa side table at tinanggap iyon. "Thank you mommy."

"What happened Clara you made me worry, really. Nasosobrahan ka na siguro sa trabaho mo. Pinapahirapan ka ba ng daddy mo?," Tumaas ang kilay ni mommy. Hinihintay niya ang magiging sagot ko. I breath heavily. "No mommy, hindi po and its our duties and responsibilities dahil mga alagad kami ng batas." I sincerely said.

"Sana totoo ang sinasabi mo anak, alam kong mahirap nga ang trabaho n'yo, ni hindi ko nga akalain na susundan mo ang yapak ng daddy at ng kuya mo. I hope you are fine my angel and not doing that to made your daddy proud. I know he's proud of you eversince. He loves you because you are his angel kayo ni Clark. Wala kang dapat patunayan." Niyakap niya ako kaya napakapit din ang mga braso ko sa bewang niya. Pinigil ko ang mga luhang nagbabadyang lumabas ayokong umiyak sa harapan ni mommy. Not now. Napakagat ako sa labi at pinigil iyon mabuti at nagawa ko.

"Mommy I was experiencing a nightmare lately... I don't know but it's kinda weird." Pag-iiba ko nang usapan. Napakunot naman ang noo niya sa'kin. "Spill it."

"Paulit-ulit na uma-alingawngaw sa isip ko ang salitang tulong ng babae hindi ko maaninag ang buong mukha niya at may nakita rin akong dugo, marami. Halos ilang linggo na rin iyong nangyayari. Mabuti at nandito kayo ngayon." Kuwento ko. Umayos ng upo si mommy. "Actually hija it's kinda weird and creepy. Hindi naman kaya kakanuod mo lang iyan ng crime movies nuong college ka pa?,"  Sabi niya pa, napangiti naman ako at napa-kibit balikat.

Pinapagaan lang siguro ni mommy ang usapan namin alam kong matatakutin din siya pero iyon naman talaga ang totoo. Bago sa akin iyon dahil para bang nasa harapan ko lang mismo ang taong iyon kapag nanaginip ako. Nagpa-alam na si mommy na matutulog na siya pagkatapos kong i-kuwento ang bagay na 'yon. Mabilis din akong nahila ng antok at madilim pa rin ang paligid nang magising ako kanina.

Naghahanda ako ng pagkain para sa amin nila mommy at daddy. Sabi kasi ni mommy ay uuwi ito ngayon. Nagpatulong na lang din ako kina Manang Esme sa pagluluto. Narinig kong uma-lingawngaw ang ringtone ko sa kusina kaya nilapitan ko iyon.

[Hello?,"] Boses ng nasa kabilang linya. Hindi rin naka-register sa phone ko pero sinagot ko pa rin.

"Who is this?, Kung mang-gagag* ka lang puwes tigilan mo ako!, hindi ka mananalo sa'k-- wait ate Clara!," Naputol ang sinasabi ko. "Wait who are you and you know my name?," Napatingin lang ako sa harapan.

[It's Lander, Ate Clara nakalimutan mo na agad ako.] Birong tanong nito sa kabilang linya. "As in... Lander Marcos na kapatid ni Inspector Leonel?,"

[Nadali mo ate!, Grabe ka! Kaya ayaw ka pakawalan ni ku... ya kahit amazona ka pa rin.] I heard he laugh. Parang may kasama yata siya.

"Huh?," Inayos ko ang cellphone sa tainga ko dahil baka malalaglag, hindi  ko tuloy narinig ang sinabi niya.

[Wala ate, sabi ko ang ganda mo pa rin. Pwede patulong.]

Celestine (Completed)Where stories live. Discover now