Kabanata 9

2 0 0
                                    

Warning some scenes are little sensitive.

"Let's not continue this... Leonel. I'm not happy anymore at isa pa ay hindi naman talaga kita gusto. Pinilit ko lang dahil makulit ka at matalik kayong magkaibigan ni kuya. I'm sorry... I'm breaking-up with you."

Ikinuyom ko ang mga palad ko at tumalikod na sa kanya. Ayoko ng hintayin pa ang mga sasabihin niya dahil maging ako ay masasaktan lang. Pinatatag ko ang loob ko at pinigilang 'wag lumuha.

Napasinghap ako nang marinig ang boses niya. "Gano'n na lang 'yon?, Bakit nang dahil ba sa nakita mo?! Clara, I'm telling to you this again. I love you, you and you always." Dinig na dinig ko ang mga sinasabi niya hindi pa rin ako umaalis sa aking puwesto. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ko na yata kayang gawin. I'm hurting him. "Mahal kita Clara noon pa, bakit biglang naging ganito tayo? Kung ano man ang nagawa kong mali pagsisihan ko 'yon 'wag mo lang gawin sa akin ito. Hindi kita niloloko." Don't Clara! H'wag ka'ng bibigay!

Hinarap ko siya nang naka-taas noo. "You do not hear what I've said earlier, Leonel? Ang sabi ko tapos na tayo. Ayoko na." Matigas kong sabi sa kanya. Kaunti lang ang distansya namin sa isa't-isa. Akmang lalapit pa siya sa akin pero agad akong itinaas ang isang kamay ko dahilan para huminto siya sa pag-hakbang. "Tumigil ka na Marcos, hindi kita m-mahal!," doon siya napatigil sa sinabi ko kahit pa pumiyok ako.

"Hindi ako naniniwala, Clara. You said you love me. We're happily talk last time bu--," I cut him off. "Okay Coronel, alam kong may dahilan ka pero hindi kita pipilitin sa ngayon. I stop for now." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya bago tuluyang umalis sa harapan ko at naglakad na papalayo sa akin.

"I'm sorry Leonel. Happy Birthday Love." Bulong ko sa hangin kasabay ng mga luha kong tuluyan nang bumagsak.

Sana maintindihan mo ako sa susunod na, kung magtatagpo man tayo ulit.

Kinagabihan naman ay tumawag pa sa akin si kuya Clark kahit na wala yata ako sa sarili dahil sa nangyari sa amin ni Leonel basta't ang natandaan ko lang ay 'wag ipapa-alam kina daddy lalo na kay mommy na may bago siyang misyon, sa ibang lugar kasi siya naka-destino at si daddy ay dito lang sa Del Fuego.

Nakahiga na ako at nakatingala lang sa ceiling ng kuwarto ko. "Oath-taking na namin bukas." I've never expect to be in this situation. Masaya ako pero parang may kulang pa rin.

Celestine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon