CHAPTER FORTY SEVEN

658 52 32
                                    

❤Retreat (Day 1) 8.10❤

Third Person's Points Of View:

Lahat ay nakatitig sa kanilang dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ng pwesto at nakatingin lang sa mata ng isa't-isa.

Nang makabawi naman si Ronalyn sa pagkabagsak ay napaisip sya.

Kingina, parang K-Drama ah? Lintek! Mukhang nag-i-imagine pa yata ang loko! Akala siguro'y nag-i-slow motion pa! nakangiwi at iritableng asik ni Ronalyn sa kan'yang isipan habang nakatingin kay Cyruz na nakatitig lang sa kan'ya.

Baka gusto mong umalis? Medyo mabigat ka eh.sarkastikong saad ni Ronalyn sa kan'ya at napapahiya namang nag-iwas ng tingin si Cyruz tsaka umayos at tumayo.

Bumangon din naman s'ya pero nanatiling maangas na nakaupo at nakatuon ang kanang braso sa kanang tuhod nya habang ang isang paa ay nakaunat.

Hinihingal pa s'yang inis na nilingon sila Ainiella na nakabawi na sa pagkagulat kanina at ngayon ay nagbubunyi na dahil nanalo sila.

Hindi 'man lang ako tinulungan ng mga kingina?! iritableng singhal niya muli sa kan'yang isipan habang masamang nakatingin sa mga kasama.

Nawala naman sa kanila ang paningin n'ya nang kaagad syang nilapitan ni Nicco matapos lumayo sa kan'ya ni Cyruz.

Napapakamot pa ito ng ulo at parang hindi alam ang sasabihin at gagawin, kaya nilingon n'ya ito at pinagkunuotan ng noo, napagitla naman si Nicco nang makitang nakalingon na si Ronalyn sa kan'ya.

Ano naman kelangan nito't titingin-tingin at lumapit pa sakin? Ayun yung girlfriend n'ya sa kabila eh! nakangiwing tanong n'ya, pero sa isipan n'ya lang.

“R-ronalyn... are you okay?napapahiya pang tanong sa kan'ya ni Nicco pero bakas pa rin ang pagaalala sa kan'ya.

Buti pa yung boyfriend nag-aalala sackin eh yung mga kaibigan ko, walang pake? Ano 'yon?! muling iritableng tanong n'ya.

“Yung kaibigan mo tanungin mo. Injured kamay nun panigurado, dahil sa impact nung bumagsak kaming dalawa.” saad ni Ronalyn sa kan'ya. Tss! Bakit kasi ako sinalo-salo pa? Tapos iniharang pa yung kamay n'ya para hindi ako yung masaktan!” inis pa na asik n'ya sa kan'yang sarili, tsaka muling nilingon si Nicco na hindi pa rin umaalis sa harapan n'ya.

H-here.napapahiya pang iniabot sa kan'ya ni Nicco yung bottled water at face towel, tinitigan n'ya naman muna si Nicco.

Okay, ang weird. kibit-balikat na saad niya sa kan'yang isipan bago tinanggap yung inabot nito. Nagpunas muna s'ya sandali ng pawis tsaka tinungga yung nasa bote na tubig.

K-kaya mong tumayo?tanong ulit sa kan'ya ni Nicco at akmang aalalayan s'yang tumayo, pero isinenyas n'ya lang ang kamay n'ya nya at pinigilan ito tsaka tumango ng ayos lang s'ya habang umiinom pa rin.

Ayos lang ako, salamat. Paki-tawag na lang yung dalawa.pagpigil n'ya rito tsaka isinenyas sila Ainiella.

“O-okay, tatawagin ko.sagot naman ni Nicco tsaka nilapitan sila Ainiella.

Yay!!! We've won, biatch!tuwang-tuwa at parang batang nabilhan ng candy pa na sigaw ni Ainiella habang nagtatatalon.

Baka Ronalyn 'yan?mayabang pa na biro ni Lourdes sa kan'ya.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Where stories live. Discover now