CHAPTER TWENTY-EIGHT

686 65 3
                                    

Ainiella's Points of View:

Maaga akong nagising dahil ang ganda ng tulog ko, hindi pa nga tumutunog ang alarm clock ko ay gising na ako.

Nakangiti akong bumangon at agad na nag-streching, pagkatapos ay dumeretso ako sa cr at agad na nagtoothbrush at naghilamos.

Hanggang sa maka-labas ako ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

“O-oh? Gising ka na rin?” gulat na tanong ko kay Lourdes nang madatnan ko s’ya sa kusina.

“Hmmm... ganda ng gising ko eh,” nakangiti nitong sagot.

Late silang umuwi ni Angelo kagabi eh, ano kayang nangyari? Hindi kaya...? Ano ba naman 'tong pumapasok sa malilikot kong isipan!

“Tulungan na kita,” nakangiting saad ko tsaka s’ya tinulungan na tanggalan ng plastic yung mga hotdog and other sausage.

Tinulungan ko rin s’yang magprito ng itlog, sunny-side-up.

Tsaka namin isinangag yung sinaing namin kagabi. Ayun 'yung palagi naming ginagawa, pagkatapos namin kumain ay agad kaming nagsasaing ng panibago para may isasangag kami tuwing umaga.

S’ya ang nagpiprito ng frozen foods sa isang pan at ako naman ang nagsasangag sa kabilang pan.

Nang matapos ko ang niluluto ko ay agad akong nagtimpla ng kape para sa’min ni Lourdes at gatas naman kay Ronalyn.

“Akyatin mo na si Ronalyn,” utos nito at tumango naman ako.

Quarter to 12:00 AM na kami umuwi at gising pa s’ya nun. Nanunuod pa s’ya sa laptop n’ya habang nagmimidnight snack kagabi, kaya sigurado akong puyat na naman s’ya.

At hindi nga ako nagkakamali dahil nakakailang beses na akong kumakatok at sumisigaw ay hindi pa rin siya sumasagot.

Dahil good mood ako ngayon, at malakas ang loob ko ay kinuha ko yung duplicate ng susi n’ya sa may drawer at binuksan ang pintuan niya.

As usual ay nakadapa ito habang natutulog. Ang isang unan ay yakap n’ya, yung isa ay naiipit ng kaliwa n’yang hita at yung isa ay nasa sahig na kasama ang kumot n'ya at iba pa niyang mga unan.

Nakadapa ito at ang mukha ay nakahilig sa kaliwa, ang kanang hita niya ay nakaunat lang kaya agad ko itong hinawakan at niyugyog.

“Hoy! Gising na!” sigaw ko dito tsaka agad na lumayo.

“Hoy! Gumising ka na sabi!” sigaw ko pa ulit nang hindi s’ya nagising, at nilakasan pa ang pagyugyog sa paa niya.

Ayaw mo, huh? Ah, alam ko na!

“DUL! SET! BANG! TAN! ANNYEONGHASEYO! BANGTAN SONYEONDAN- IMNIDA!” malakas na sigaw ko na agad na ibinalikwas n’ya.

*Translation: DUL! SET! BANG! TAN! ANNYEONGHASEYO! BANGTAN SONYEONDAN- IMNIDA!” = “TWO! THREE! BANG! TAN! HELLO! WE ARE BANGTAN SONYEONDAN!”

Napahagalpak naman ako ng tawa nang gayahin din n’ya ang greetings ng BTS, mula sa hand sign ng mga ito, hanggang sa pagyuko.

“YAAAAA!!! SSIBAL!!!” malakas na sigaw n’ya at wala pang isang segundo ay may tumama nang unan sa mukha ko.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon