CHAPTER FIFTY EIGHT

498 29 9
                                    

❤️Retreat (Day 2) 8.10❤️

Third Person’s Points Of View:

Woii, Frank. Anong oras na?tanong ni Ronalyn sa kan'ya, kinuha naman ni Frank ang cellphone n'ya sa bulsa n'ya na kababalik lang sa kan'ya ni Ciize tsaka ito binuksan.

2:58 PM. Tara na dun, patapos na 10 minutes na water break.sagot naman sa kan'ya nito tsaka ibinalik ang cellphone sa bulsa ng jogger na suot n'ya, tumango naman sila tsaka nagsibabaan sa bench at naglakad na.

“Your 10 minutes water break are already done, so magsipagbalikan na kayo sa mga p'westo n'yo.saad ni Myrtle pagkalapit nila sa kanila, pumuwesto naman ulit sila sa kanila at nakinig.

Inumpisahan naman na sabihin ni Myrtle ang susunod nila na activity at ipaliwanag ang mechanics.

Ang susunod nila na lalaruin ay ‘Catching the Ball’, may dalawang representative: isang babae at isang lalaki na sasaluhin ang mga bola na ibabato ng mga kagrupo nila. Pero kailangan sila ay parehong nasa loob ng isang malaking tela na bag habang sinasalo nila ang bola, may butas naman ang bag para sa mga paa nila kaya makakagalaw sila kahit papaano.

Ang unang team na maglaro ay ang red team at blue team.saad ni Myrtle matapos bumunot sa fishbowl ng papel, wala naman ka-grupo na babae ang red team kaya p'wede na dalawang lalaki ang sasalo ng mga bola.

Sino ang sasalo ng sa'tin? Babae at lalaki raw dapat eh.tanong ni Frank sa kanila.

“Baby, let's do it.saad ni Angelo tsaka nilingon si Lourdes na nasa tabi n'ya.

H-huh? Bakit tayo?gulat na tanong naman nito sa kan'ya.

Let just try, please?nangungumbinsi naman na bulong sa kan'ya ni Angelo habang hawak-hawak pa ang kamay n'ya, kaya wala na s'yang nagawa 'kundi ang sumangayon na lang.

Bago naman tumalikod si Angelo sa lahat ng blue team ay binigyan n'ya muna ito ng nagbabantang tingin lalo na ang mga lalaki na kapag tinamaan at nasaktan si Lourdes ay gagantihan n'ya ang mga ito.

“Si Angelo at Lourdes ang lalaro?

SWEETTTT!

“Sabi na nga ba eh, it's either Ainiella and Nicco or Lourdes and Angelo!

Naks! Bagay na bagay!

ANG CUTEEE!

Kinikilig ako, waaaahhhh!

“Angelo!Ang gwapo mo!

Lourdes, ang ganda mo!

“Ang representative ng blue team at red team ay pumunta na dito sa unahan.saad ni Myrtle kaya pumunta na silang apat sa unahan at kinuha yung malaking bag.

Ang lahat ng miyembro ng grupo ay bibigyan ng tig-tatatlong bola para ishoot nila sa bag kung nasan nasa loob ang dalawa pa nilang kasama.

Bahala kayo kung paanong paraan n'yo ishu-shoot yung tig-ta-tatlong bola na hawak n'yo, padamihan lang naman kayo ng mashu-shoot sa loob ng 2 minutes. Pagkarinig ng gunshot ay p'wede na kayong mag-umpisa.saad ni Myrtle sa kanila tsaka sila pina-p'westo na.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Where stories live. Discover now