CHAPTER SIXTY SEVEN

283 17 21
                                    

A/N: paikli nang paikli bawat chapter kasi hindi ako makapagsulat nang ayos. so, pakiintindi na lang. nasanay kasi siguro kayo dun sa chapter 60 na 41k+ words kaya nabibitin kayo ngayon bawat ud ko. (3 months ko kasi yun sinulat kaya mahaba, and hindi ako busy sa acads) eh ngayon wala pang 1 buwan nag-a-update na kaagad ako kaya maikli. so, ayun... pasensya na if maikli at bitin yung mga ud ko for the past few months. but i hope you still enjoy reading this🥀

Dedicated to: Whitedoveeeee
and ElizaJoyReyes2



























































Ainiella’s Points of View:

“Hoy, hintay!” sigaw ko kay Ronalyn nang tumayo na siya at mag-umpisang maglakad papalabas ng classroom.

“Bilis.” saad lang naman niya kaya basta ko na lang ipinasok lahat ng gamit ko sa bag tsaka sumunod sa kaniya.

Eksaktong labas naman namin ay nakita namin si Nicco at Ethan na nasa may labas na rin ng classroom namin.

“Tara na sa hospital.” nakangiting saad sa'kin ni Nicco kaya kaagad ako tumango at ikinawit ang mga kamay ko sa braso niya tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.

“Anong sasalihan niyong sports, babe?” tanong sa'kin ni Nicco, nag-announce na kasi yung lecturer namin sa physical education na magkakaroon na ng interhigh at bukas kami magpi-fill up ng form kung anong sports ang gusto naming salihan.

“Hindi ko pa nga rin alam eh, pag-uusapan muna namin siguro nila Lourdes mamaya.” sagot ko naman at tumango-tango siya.

“Kayo? Ano sasalihan niyo?” tanong ko naman.

“Basketball lang, kailangan na namin magfocus ngayon kasi last year na namin ito sa secondary eh.” sagot naman niya.

“Bakit? Ilan ba ang sinasalihan niyo dati? At anu-ano yun?” tanong ko ulit.

“Kay Angelo, dalawa. Volleyball tsaka basketball. Kay Cyruz naman basketball lang kahit magaling siya sa lahat ng sports kasi tamad siya. Sila Aries ay halos tigda-dalawa rin, basketball at soccer. Sa'kin naman... hehe, apat. Basketball, volleyball, badminton tsaka soccer.” nakangiti namang sagot niya habang nakaangat pa ang apat na daliri.

“Bakit naman andami mong sinalihan?” natatawang tanong ko.

“Bored ako that time eh HAHAHAHAHA!” natatawang sagot naman niya kaya napailing-iling na lang din ako.

Sumakay na kami sa mga sasakyan namin at nang makarating naman na sa hospital ay dumeretso kami kaagad sa room ni Lourdes si Ronalyn naman ay yung nurse ni Lourdes ang kaagad na kinausap.

Naabutan naman namin sila ni Angelo na nag-aayos na ng gamit pagpasok namin.

“Tsk, mukang ayaw nyo pa yatang umalis dalawa dito, ah?” nakangising asik ko sa kanila dahil dahan-dahan ang paglalagay nila ng gamit ni Lourdes dun sa maleta at bag na dala-dala nito.

“Oo nga HAHAHAHAHA! Sabagay dito kasi p'wede kayong magsama kahit ilang oras.” natatawa namang dagdag ni Nicco.

“Magpa-confine ka naman kaya Angelo?” natatawang biro pa ni Nicco sa kaniya.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Where stories live. Discover now