CHAPTER TEN

921 71 15
                                    

Ainiella's Point of View:

Pare-parehas kaming nakayukong tatlo nila Sean habang nanginginig sa harapan ni Ronalyn.

“Ainiella naman! Ni hindi ko nga pinadaan sa lupa 'yang si Bunny para hindi madumihan tapos ikaw? Gagasgasan mo lang?!” pigil-inis na tanong ulit nito.

“N-nakaganti naman ako eh!” giit ko. Inilahad naman nito ang kamay niya.

“O-oh!” kabadong saad ni Chester tsaka iniabot kay Ronalyn yung cellphone.

“Bathroom scene n'yo ito ni Sean eh!” inis na sigaw ni Ronalyn kaya nanlaki ang mga mata namin.

“H-hoy w-wala k-kaming video sa bathroom ha!” giit din ni Chester pero si Sean inagaw lang ang cellphone kay Ronalyn.

“Please, respect our privacy,” saad ni Sean.

Oh my gosh?! May video talaga sila ni Chester?! While doing that?!

“Wala sa bathroom, pero sa ibang part ng bahay, meron?” nakangising tanong ni Ronalyn, pero nanatiling tahimik yung dalawa na parang kinakabahan.

“I'm just kidding, but why are you guys so nervous and defensive, huh?” sarkastikong tanong ulit nito.

“W-wala naman k-kasi talaga!” namumula ang mukha at taingang sagot ni Chester.

“Nayyyyyyyyy kaderti!” nandidiri kunwaring sigaw ko.

“Pero paano kayo nag—?” hindi na natuloy ni Lourdes ang sasabihin n'ya nang batukan s'ya ni Chester.

“Kadiri ka, bakla! Wala nga kasi talaga! Tsk! Babe, bigay mo na nga 'yan kay Ronalyn para mapanuod na n'ya!” baling nito kay Sean.

“Alin ang panunuodin ni Ronalyn, babe—?” hindi rin natapos ni Sean ang sasabihin niya nang samaan siya ng tingin ni Chester at parang sinasabing Manahimik ka! Hindi kita paiisahin mamaya!’

“Ito na nga!” saad ni Sean tsaka iniabot kay Ronalyn yung cellphone. Pinanuod naman na ni Ronalyn yung video tsaka ibinalik na ulit kay Chester yung phone.

“Walang p'wedeng ibang kamay ang humawak sa Bunny ko, kaya kayo ang maggawa n'yan. And BTW Chester, video-han n'yo rin ang sarili n'yo habang ginagawa si Bunny, ha?” saad nito tsaka iniwan kaming nakatanga at dumeretso s'ya sa k'warto n'ya.

“Kay Bunny n'yo pala mapapakinabangan pagiging mechanical engineering mo, Sean,” natatawang saad ni Lourdes sa kaniya, napa-facepalm naman siya. “Hindi pa ako graduate! T*nginang 'yan! At matik kapag hindi natin naayos si Bunny, hindi na talaga ako makaka-graduate kahit kailan!” napapabuntong-hiningang sigaw niya, si Chester naman ay nakanguso na rin ngayon at parang maiiyak na rin.

“Anong n-natin?! T*ngina niyo! Hindi ako kasali diyan! Gusto ko pang mabuhay nang matagal!” sigaw sa'min ni Lourdes at agad na nilayasan kami.

“Mahal ko pa rin buhay ko!!” naiiyak naman nang sigaw ko.

“Kami rin naman!! Nakakainis!! Ba't kasi napaka-tanga nung babae?!! Huhuhuhuhu!!!” umiiyak naman nang sigaw ni Chester kaya napaiyak na rin ako at napatadyak-tadyak pa dahil sa inis. Si Sean naman ay pinagsusuntok yung sofa namin.

“Arghhhhhh!!” sabay-sabay namang sigaw naming tatlo dahil sa halu-halong emosyon. Naiinis dun sa babae, natatakot kay Ronalyn, at naiiyak dahil sa naaawa kami sa mga buhay namin.

Nagutom naman ako kakaiyak kaya tumigil na ako at tumayo. Napasimangot na lang ako tsaka dumeretso sa kusina at kumuha ng slice cake sa ref para naman kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Where stories live. Discover now