CHAPTER TWENTY-SEVEN

680 59 0
                                    

Nicco's Points Of View:

Nearly 10:00 PM na nang matapos kaming magkuwentuhan. May pasok pa kasi bukas kaya hindi kami p’wedeng magtagal pa at baka mapuyat din si Ainiella.

“May I hold your hand, beautiful?” malambing na tanong ko kay Ainiella.

Natatawang inabot naman niya sa’kin ang kamay n’ya kaya napangiti ako at agad na in-intertwine ito.

Naglalakad kami papalabas ng restaurant habang magkahawak kami ng kamay dalawa, samantalang yung dalawa naman ni Lourdes at Angelo ay magka-akbay. Si Angela naman ay nauna nang umuwi sa’min, sinundo na ng driver nila.

Bigla naman akong napangiti sa kawalan.

May love life na kaming dalawa ni Angelo, si Cyruz na lang ang wala. Sila Jack ay paniguradong may mga ka-fling din naman.

“Babe?” pagtawag ko kay Ainiella, tinaasan naman ako ng kilay nito.

“Maka-babe? Sinagot na ba kita?” asik nito.

“Ayun ang gusto kong itawag sa’yo eh,” nakangusong saad ko dito.

“Did you know what’s the meaning of that?!” salubong na ang kilay na tanong nito, umiling naman ako.

“Hindi eh, ano ba? Alam ko lang kasi endearment lang yun,” kamot-ulong sagot ko.

“Nung grade 6 kami, sabi ng teacher namin ang meaning daw ng babe ay baboy!” pigil-inis na sagot nito.

“The hell I care? Basta tatawagin kita ng babe,” saad ko tsaka mas lalong pinagsaklop ang mga kamay namin.

“Whatever,” buntong-hininga na lang na sagot nito.

“Sunduin kita bukas?” paglalambing ko pa dito habang naglalakad kami papuntang parking lot.

Pinagbuksan ko naman s’ya ng pintuan tsaka ako umiikot at sumakay na rin sa driver’s seat.

“Magkakasabay kami nila Lourdes eh,” sagot naman nito.

“Susunduin naman daw ni Angelo si Lourdes eh, edi susunduin na rin kita,” nakangiting sagot ko tsaka ini-start yung engine.

“Kawawa naman si Ronalyn, mag-isa na namang papasok,” biglang saad n’ya, kaya nilingon ko s’ya. “Well, lagi naman kasi s’yang late,” dagdag pa niya.

“Ayaw n’ya ba talaga kay Cyruz?” napapabuntong-hininga naman na tanong ko, at kusang natauhan sa sariling tanong.

Did I say that?! I'm dead!

“Sayang, magaling na driver pa naman yun. Auto racing isa sa hobby nun eh,” pagyayabang ko na lang kunwari.

“Ay, kung racing lang ang pag-uusapan, baka pakainin lang ni Ronalyn ng abo si Ethan,” natatawang saad n’ya. “And besides, diba ayaw rin naman ni Ethan kay Ronalyn?” naguguluhang dagdag pa nito.

“H-huh? Oo! Ayaw n’ya nga kay Ronalyn. Mas lalaki pa kasi s’yang kumilos kaysa sa’min. Nakaka-intimidate rin, sobra. And an indeed amazona.” napapailing pa kunwari na saad ko.

If you only knew. Malakas ang tama ni Cyruz sa kan’ya. Napaka-interesting nga naman kasi ng personality ni Ronalyn, attractive rin s’ya physically. She's fine as hell, kaya siguro ang nag-iisang cold-hearted na kagaya ni Cyruz at na-inlababo sa kan'ya.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Where stories live. Discover now