CHAPTER SIXTY ONE

381 19 12
                                    

A/N: hindi ko pa sana ipu-publish ito kasi hindi pa ako kuntento sa dami ng words, pero dahil  madami na ang nanghihingi ng update ay pinublish ko na rin. expect the wrong grammar and typos





































































Ainiella’s Points of View:

“Woii! Gising na.” paggising nung kung sino sa'kin habang sinisipa pa ang paanan ko.

Ang sakit ng ulo koooooo!!!!

“A-ano ba?!” naiinis na asik ko pa dito tsaka iminulat ang mga mata ko, medyo nasilaw pa ako ng bahagya mula sa liwanag na nagmumula dun sa bintana, mabuti na lang ay hinaharangan ito nitong kaharap ko.

“Bakit ba?!” naiiyak na tanong ko sa kaniya tsaka naupo.

“Ang sakit ng ulo koooo!!! Huhuhuhuhu!!!” naiiyak pang sigaw ko.

“Kingina! Ang ingay mo! Bumangon ka na riyan at mag-ayos dahil mag-a-almusal na tayo!” naiiritang sigaw naman sa'kin ni Ronalyn tsaka ako tinalikuran.

Kaagad ko namang nilingon yung wall clock na nakasabit para tignan ang oras.

“Waaaaaaa! Wala pang six hours ang tulog ko!! Nasira na naman beauty rest ko! Huhuhuhuhu!” naiiyak na saad ko nang makita na mag-a-alas sais pa lang ng umaga.

Bumaba naman na ako ng kama ko at nilingon si Lourdes na nakaupo rin sa kama niya at inaantok pa rin, pati na rin yung tatlo namin na kasama rito ay mga nakahilata pa rin maliban dito kay Ronalyn na maaliwalas na ang mukha dahil nagtoothbrush, nakapaghilamos at nakapagsuklay na siya.

Naligo naman kaming tatlo nila Ronalyn kanina nung umuwi kami kaya tamang hilamos at toothbrush lang ang ginawa namin ni Lourdes tsaka kami nagsuklay at nag-skincare routine.

Nang matapos naman na kaming mag-ayos ni Lourdes ay inubos na namin yung kapeng itinimpla sa'min ni Ronalyn tsaka kami lumabas na ng dorm dahil nagising na rin yung tatlong bruha. Eksaktong labas naman namin ay tumunog ang cellphone namin dalawa ni Lourdes kaya kaagad namin itong tinignan.

From: Babe
Good morning, babe! Sorry, hindi na namin kayo masusundo ngayon, late na kasi kami nagising dahil hindi rin kami nakatulog agad kanina pagkahatid namin sa inyo.
7:15 AM

To: Babe
Good morning din, babe. Okay lang, otw na rin naman kami sa Cafeteria eh. Dun na lang tayo magkita.
7:16 AM

From: Babe
Okay, see you. I love you, babe.
7:16 AM

To: Babe
I love you, too.
7:17 AM

From: Babe
❤️

“Sa cafeteria na lang daw tayo magkita-kita. Kakagising-gising lang daw kasi nila kaya ngayon pa lang sila nag-aayos.” saad sa'min ni Lourdes at tumango lang naman ako samantalang si Ronalyn ay nagdere-deretso na habang ang mga mata ay nakatutok sa cellphone niya.

Muli namang nag-announce si Myrtle sa speaker na pumunta na ang lahat sa cafeteria para makapag-almusal na at ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin ang lahat.

LOVE WAR (Boys Vs. Girls)Where stories live. Discover now