Mayhem

101K 2.9K 601
                                    

Bloody Crayons
Mayhem
---------------------------------------------

 

Jake

“Eh sa totoo naman eh. Kayo lang naman ang walang alibi. Kayo diyan, alam niyong alam ko na parehas tayo ng iniisip.” Pagkasabi ni Eunice, tinitigan niya kami. Yung iba yumuko. Yung iba nagbusy busyhan. Yung iba naman umaakting na interesadong interesado sa himulmol na nasa mga damit nila. Walang gustong sumagot. Walang gustong madamay. Same goes with me. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Eunice. Naiintindihan ko na pressured siya pero kailangan bang umakto siyang bitchy? Para kasing sinaniban siya ng ispirito ni Olivia. “Great! Sige, magpipi pipian kayo. Basta ako hindi magpapaka impokrita.”

“Bakit ba kasi kami ang pinagsususpetsahan mo? Pwede namang tagalabas yung gumagawa nito ah.” Naaasar na sabi ni Kyle. Sumabat pa si Eunice kaya hindi lang dun natigil ang bangayan nila.

Minute ko ang mga boses nilang dalawa sa utak ko para makapagisip. Ano nga ba ang tsansa na tagalabas ang puno’t dulo ng lahat ng ito? Mababa. Napakababa kung ikukumpara sa posibilidad na isa samin ang pumapatay.

Napakababa nung posibilidad na may pumuslit dito para lang paglaruan kami. Pero iba yung pakiramdam ko run sa napakababang posibilidad na yun. Minsan kasi yung mga hindi mo napapansin, yung mga bagay na sa sobrang liit na ooverlook mo, sila pa yung mga bagay na sagot sa tanong mo.

Pano nga kung taga labas talaga ang gumagawa nito at trick niya lang yung mensahe para paghinalaan namin ang isa’t isa? Kung tutuusin napakasimple lang nun pero napakaepektibo. Maliit lang yung effort niya kumpara dun sa laki ng pabor na dulot sa kanya ng resulta. Pwede na siyang pumatay ng hindi man lang namin namamalayan kasi abala kami sa pakikiramdam at pagbabantay sa mga kaibigan namin.

“Kahit ayaw ko ‘tong sabihin, may punto si Eunice. Nakasulat na mismo run sa message.” Tamang desisyon nga ba na maniwala kami sa mensahe? Oo, inaamin ko na ayaw ko talagang tanggapin na isa sa amin ang pumapatay. Sino ba naman ang gustong maniwala na yung mga kaibigan mo na matagal mo ng nakasama ang mismong nagtatangkang pumatay sayo? Pero kung titignan mong mabuti ang hinala ko, pwedeng mangyari. Na taga labas ang gumagawa nito. Kasi kung isa sa aming magkakaibigan ang pumapatay, pwede kaming manatili sa isang lugar lang at bantayan ang isa’t isa. That would be an inconvenience to the killer’s side. Hindi siya makakahanap ng chance na pumatay. Tsaka nandirito yung pakiramdam na hindi tanga yung killer. Parang ang tanga lang na nireveal niya agad yung identity niya. Di talaga eh. Malabong isa samin. Tagalabas ang gumagawa ng lahat ng ‘to.

“Ano ba? Ang ingay niyo masyado! Ang sakit sakit na nga ng ulo ko ang ingay niyo pa. Wala bang mga awa ang mga tao dito?”  nagulat ako nung narinig ko yung boses ni April. Alam ko marami sa amin ang pinaghihinalaan siya. Kahit ako. Hindi kasi kapani paniwala na hindi man lang siya nagising nung sumigaw si Olivia. Naalala ko pa yung sinabi sakin minsan ng mom ko. Mas mahirap gisingin ang nagtutulug tulugan kaysa ang tulog.  Kaso kung paghihinalaan ko si April, parang contradictory yun sa theory ko na taga labas ang pumapatay. Shit. Ang hirap ng ganto. Kailangan kong obserbahan ang mga kaibigan ko at kailangan kong obserbahan kung may tagalabas ngang involve.

Malapit ng sumakit ang ulo ko ng biglang may pumasok na posibilidad sa isip ko. Pano kung magkasama yung tagalabas at isa sa amin?

Hindi imposible yun. Kung tutuusin, yun ang pinaka posibleng mangyari. Simple pero effective. Tsaka swak na swak yun dun sa linya sa message na Because the killer is also one, of all the fourteen friends.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon