Let's Play a Game

132K 3.3K 1.5K
                                    

Bloody Crayons
Let’s Play a Game
------------------------------------------------------------------------------------

 

Eunice

Minsan natanong sa akin kung ano raw ba yung dalawang klase ng tao. Simple lang naman ang sagot ko run eh.  Humans are a carbon-based life form. And the two most commonly known allotrope of carbon are charcoals and diamonds. May mga taong parang diyamante na napakalaki ang worth. At may mga taong parang uling. Worthless.

At minsan, pinipili pa ng mga uling na isagad yung pagiging walang kwenta nila.

Tinignan ko yung mga tiles na nasa rack ko. Bakit ko nga ba naisipang imbitahan silang maglaro ng scrabble? Mas lalo lang makakadagdag sa boredom ko ‘tong laro na to eh. Always winning is boring.

“Deathly. 18 points times two kasi ako yung unang tumira. 36 plus 50 dahil nakabingo ako. 86 points lahat.” Not bad. But…

“Strategy. 12 times four dahil dalawang double word yung nalandingan ng tiles ko. 48 yun plus 50 kasi nakabingo ako. 98 points lahat.” I’m still better.

I stared at their shocked expressions with boredom. Ganun na ba talaga kagulat gulat yung itinira ko? It’s nothing special really.  Normal na para sakin yun.

Pero ano nga ba talaga ang normal? Ano nga ba ang kakaiba? What is ordinary and what is weird?

Normal is dependent on perception. What’s normal for a cat means death for a mouse.

“You know what Kenly? I’m tired. I’m so tired of this bullshit. Palagi mo nalang akong sinasaktan.” Ever heard of the phrase ‘Silence is Golden’? Well duct tape is silver. Kung di pa siya tatahimik, god forbid daduct-tapan ko talaga yung bunganga niya. Kanina pa siya namumuro. May nabasa pa naman ako sa isang libro na stress will make you look old. Stress siya, promise.

Sa kanya lang ako nakakaramdam ng urge na pumatay. Ang sarap niyang pagsasaksaksakin eh. Kung hindi lang talaga labag sa Article III, Section One of the Constitution of the Philippines pati narin sa moral law and ethics, baka nakapatay na ako ng tao. Kaso wala akong magagawa eh. Kahit pa makakabuti yung gagawin ko sa sanlibutan.

Sa tingin ko naman capable akong gawin yun. Maano lang ba yung ilang saksak dito at ilang laslas diyan. Well, hypothetically speaking. Pwede rin naman kasing maging frustrated murder ang kalalabasan nang kagagahan ko. Amateur ako eh, di ko pa talaga nararanasan.

I grimaced at the thought. What was I thinking? Nahahawa na talaga ako sa mga mystery suspense thriller novels na binabasa ko.

“Hindi lang ikaw ang napapagod. I’m tired of your bitchiness. You changed a lot! Hindi na ikaw yung Olivia na nakilala ko.” Nagbangayan pa sila hanggang sa umabot sa parteng nagwalkout si Kenly. At ito namang si Marie, nagpakamartyr nanaman. Tinulungan nanaman si Olivia.

Kaso ang problema, ang dami pang nalalaman na let me go, let me go si Olivia. Ang daming kaartehan. Isang kaartehan pa talaga ang marinig ko mula sa bunganga ng Olivia na yan makikita niya.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon