Who Told You To Save Me?

77.9K 2.2K 1.1K
                                    

Bloody Crayons
Who 
Told You To Save Me?
-----------------------------------------------------------

Eunice

Madilim.

Napakadilim ng buong paligid.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang sigurado ko, nanganganib ang buhay ko. Di pa ako pwedeng mamatay. Hindi pa pwede.

Pinikit ko ang mga mata ko tapos sinubukan kong tumayo pero parang may pumipigil sakin. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas wala paring silbi. Pilitin ko mang sumigaw hindi ko maibuka ang mga bibig ko. Doon ko lang naintindihan ang sitwasyon ko.

Nakatali ako.

Tumindig ang mga balahibo ko ng makarinig ako ng mga yabag. Magaan pero nararamdaman ang bigat. Hindi nagmamadali pero pakiramdam mo tumatakbo siya papunta sayo. Malayo pero malapit.

Pinilit kong iikot ang paningin ko papunta sa direksiyon ng mga yabag pero hindi ko magawa. Nasa bandang likuran ko siya.

Hindi ko na napigilang umiyak. Siguro kasi pakiramdam ko ang helpless helpless ko. Yung nasa bingit na ako ng kamatayan pero wala parin akong magawa. Kumpara sa lamig ng paligid, ramdam na ramdam ko ang init ng mga luhang naglalandas sa mga pisngi ko. Mga luha na pinaghalong galit at awa sa sarili.

Then I heard something metallic. Kinikiskis niya sa pader yung kutsilyong hawak niya habang papalapit siya ng papalapit sakin. Eunice! Think! Kailangan mong makatakas dito.

Hindi ko alam kung swerte lang talaga ako o may nagbabantay sakin sa itaas. Habang patuloy ako sa pagpupumiglas ko sa kinauupuan ko, naramdaman kong lumuwag yung tali.

Unti unting may nabuong plano sa isipan ko. At sisiguraduhin kong magtatagumpay ito.

Kung tutuusin pwede na akong tumakbo pero pinigilan ko ang sarili ko.

Hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Papalapitin ko siya at titingnan kong mabuti ang pagmumukha niya. Madilim nga pero kahit silhouette lang okay na sakin. Kailangan ko lang madetermine kung lalake ba o babae siya.

I mentally calculated the distance between us based on the sound of the footsteps. Medyo malayo. Siguro mga 30 seconds pa bago siya makalapit sakin. Sapat na oras para maghanda.

Pero nagkamali ako. Yung inaakala kong malayo pa siya mali pala. Bigla bigla ko nalang siyang naramdaman sa likuran ko.

Ni hindi ako nakareact sa bilis ng mga pangyayari. Gusto kong sumigaw pero ayaw lumabas ng boses ko. Kahit nung tinanggal niya na yung busal sa bibig ko. Di ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko. Parang takot na takot ako. Parang sa presensiya niya palang gusto ko nang sumuko.

Bakit nga ba kasi ako napunta rito sa lugar na 'to in the first place?

Everything's a blur.

Wala akong maalala. Wala akong matandaan. Parang yung memory ko for the past hour bigla nalang nabura. Ang naaalala ko nalang ay yung naghiwa hiwalay kami.

Ano ba kasi ang nangyari?

Wala na sa matinong state ngayon ang pagiisip ko. Takot at pangamba nalang ang naghahari rito. Pipilitin ko pa sanang iorganize yung isipan ko pero huli na. I felt something cold slide across my neck followed by a flow of warm, viscid liquid.

I slowly realized that I was dying.

* * *

Someone is screaming. I can hear it. Sigurado akong galing yun sa isang babae. Bakit siya sumisigaw? Anong nangyari?

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon