Curtain Call

109K 2.8K 1.5K
                                    

BloodyCrayons
Curtain Call
--------------------------------------------------------------------------

Eunice

"Sinong nagsabing mabubuhay ka?" Biglang nanigas yung nanlalambot kong katawan nang narinig ko ang boses ni Olivia. So all this time pala na akala kong hindi niya ako sinusundan, nakasunod pala siya.

Ewan ko kung dahil sa takot o dahil sa desperation, basta kusang gumalaw ang katawan ko para atakehin si Olivia. Alam ko namang wala akong laban kumpara sa kanya. Malakas siya, no wounds at may chainsaw pa.

Pero kapag ang isang tao wala na talagang choice, yung tipong wala ng mawawala sa kanya, ibubuhos niya na ang lahat lahat. A cornered rat will fight back ika nga.

Dinamba ko si Olivia gamit ang buong lakas ko at laking gulat ko nang natamaan ko siya. Napahiga siya sa sahig na sinamantala ko naman. Dinaganan ko siya at pilit kong pinipigilan ang kanang kamay niya na may hawak sa chain saw.

"Mabubuhay ako Olivia. Mabubuhay ako." Nangingiti ngiti kong sabi sa kanya. May tsansa pa akong mabuhay. May posibilidad pa.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko at tinawanan ako ng bahagya. "Ows?"

Kahit nakahiga na siya di parin nawawala yung kayabangan niya. Pero mabuti yan. Her arrogance will lead to her downfall.

Dinaganan ko ng mga tuhod ko ang mga braso niya para hindi niya ito maigalaw, then I started punching her face. Inubos ko na yung natitira kong adrenaline sa mga huling suntok na 'to. I know I'm not that strong pero naniniwala ako na sa pakonti konti may mangyayari rin. Small blows fell great oaks.

Mga ilang minuto ko ring pinagsusuntok si Olivia hanggang sa maramdaman kong nanghihina na siya. Pero alam kong hindi pa sapat yun. Hindi pa ako ligtas. Isa lang ang paraan para mailigtas ako.

I have to kill her.

Dali dali kong iginala ang mga mata ko sa paligid hanggang sa nakita ko yung cabinet sa bandang ulunan niya. Napangiti ako ng nakita ko yung laman sa loob. Mga maliliit na botelya na naglalaman ng isang likidong pamilyar na pamilyar ako.

Tetrodotoxin.

Bakit hindi? It was a fitting ending to this sick tragedy. Nagumpisa lahat sa tetrodotoxin, tatapusin natin sa tetrodotoxin.

Dali dali kong binuksan ang isang vial at pilit kong pinainom sa kanya ang lahat ng laman nito. Overdozed. Yan ang mangyayari sa kanya. Matagal man mabulok ang bangkay niya, sigurado naman akong mamamatay na siya. Sana.

Napangiti ako habang nakita kong unti unting nanghihina siya. Binababa ko ang mga defences ko. I lowered my guard. Nagpakatanga nanaman ako.

My arrogance caused my downfall.

With the last of her diminishing strength, Olivia shoved the chainsaw into my stomach. Naramdaman ko nalang ang pagkagat ng malamig na metal sa tiyan ko na sinundan ng hapding hindi ko maipaliwanag.

Napatingin ako pababa at nakita kong tumatalsik na ang dugo sa paligid. Pero hindi ko na kayang magisip dahil sa sakit na naghahari sa buong pagkatao ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdurog at paghiwa ng chainsaw sa bituka ko, sa tiyan at sa mga lamang loob ko.

At sa aking nagdidilim na panangin, nakita ko ang bangkay ni Olivia na may ngiti sa kanyang mga mukha.

* * *

Olivia

As I lay there dying, bathing in Eunice's blood, I can't help but remember Arielle's story. The first and last story that I was able to create.

Arielle stood there, her face splattered with blood, slowly drinking the sight of the bloody corpses lying in front of her.

She succeeded. She finally cleansed herself of the filth covering her soul. Now she's finally free.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon