Where Art Thou?

107K 2.6K 815
                                    

BloodyCrayons
Where Art Thou?
----------------------------------------------------------

Kyle

Isinara ko yung jacket ko ng maramdaman ko ang lamig ng gabi. Nasa balcony ako ngayon at nagpapahangin dahil hindi ako makatulog. Ang hirap ng maraming iniisip. Pati magpahinga hindi mo magawa.

Pinikit ko ang mga mata ko at nakita ko nanaman yung bangkay ni Olivia. Yung katawan niyang puro saksak. Yung napakaraming dugong nagkalat. Kadarating palang namin dito pero may hindi na magandang nangyari. Sinurpresa nanaman kami ng kagaguhan ng buhay.

Kung meron man sigurong magaling gawin si life, yun siguro ay ang gaguhin tayo. Ilang beses na ba na kapag masaya ka, biglang may darating na trahedya? Sabi ng iba para daw mabalance ang buhay. Para daw quits. Bullshit.

Mahirap kasi maging masaya masyado. Yung tipong hindi na gumagana ng matino yung utak mo. Yung tipong hindi ka na realistic magisip. You lower your guard down. Mas nagiging vulnerable ka kaya bigla bigla ka nalang masusurpresa ng kaputanginahan. Kaya mas intense yung impact. Kaya nasasaktan ka.

Ano gagawin mo? Pipigilan mong maging masaya? Lugi ka parin. Di ka parin mananalo. Ganyan kagago si life.

Aminado ako na hindi lang isang beses kong inisip na mas mabuti pang mawala nalang si Olivia sa tropa. Ilang beses naring sumagi sa isip ko na pano kaya kung nadedo siya. Ano kaya ang mangyayari? Mapapabuti na ba yung grupo o hindi? Pero hindi ko naman ginusto na ganuon ang mangyari sa kanya. Hindi ko ginusto na ganuon ang kahinatnan niya.

Be careful of what you wish for. Sa mga ganitong sitwasyon, naririnig ko yung mga advice ng nanay ko. Ironic lang kasi palaging huli na kapag nagpapakita sila sa isipan ko.

Pero hindi naman siguro ako at ang kahilingan ko ang dahilan kung bakit namatay si Olivia diba? Para mangyari yun, kaylangan ng magic na tutupad sa kahilingan ko. Kaso, sa pagkakaalam ko, wala namang mahika sa mundo. You can't just wish for something, that's not the way the world works.

Unfair ang mundo eh, magulo at masalimuot. Merong kailangang magbigay ng sagad sagad na effort pero kokonti lang ang kapalit. Meron namang kaunting pitik lang pero ang laki na ng biyaya. Ewan ko kung naïve lang si Newton o hindi talaga applicable sa mga tao ang Newton's third law of motion. For every action there is an equal and opposite reaction. Bullshit.

Sabi ko unfair ang mundo. Pero sino nga ba ang bumubuo ng mundo? Tayo ring mga tao. Sabi ko gago si life pero sino ba talaga ang gumagawa at nagsusulat ng mga buhay natin? Tayo rin naman. Kung tutuusin nakakatawa yung kasagutan eh. Ginagago at ginugulangan lang din natin ang mga sarili natin.

Umalis ako sa railing ng balcony at umupo sa upuan na nasa gilid. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina. Alam ko isa ako sa pinagsususpetyahan nila. Yung isa yung mahal ko. Yung isa si Kenly. At nalaman ko rin, the hard way, na walang saysay na magsabing inosente ka sa kanila. Especially kay Eunice. Kahit pala matalino walang laban kapag tinamaan na ng panic. Kapag pala sobrang emotional at takot ka, nagsasara na yung utak mo sa paliwanag. Nagiging close minded ka na.

Sa sobrang takot mo para sa buhay mo, di ka na nakakapagisip ng matino. Sino ba naman kasing hindi matatakot? Napakadali lang naman kasing napatay si Olivia.

Nakwento na rin sakin ni Jake yung mga pangyayari. Nagiiscrabble sila tapos nagaaway si Olivia at Kenly. Hinatid ni Marie si Olivia, mga twenty minutes daw ang tinagal ni Marie kasi sobrang naapektuhan si Olivia. Then after twenty minutes, sumigaw si Olivia.

That's the gist of it. At sigurado naman akong mayroon na silang theory kung paano napatay si Olivia. Kung tutuusin madali namang gumawa ng theory kung itatapon mo ang feelings mo para sa tao. Kung tatanggalin mo yung emotion mo. I can even formulate one right on the spot.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon