SAPIRAH'S POV
Sa templo ni Maestro Hardino, dinala namin ang walang malay na si Premond. Sa isang bakal na upuan ay doon namin siya pinaupo. Ginapos ng lubid ang kamay at paa upang hindi makapanakit kung sakaling ito'y magising.
Mas mabuti sa lugar na ito namin dinala si Premond upang mas mahigpit itong mababantayan ng taga silbi ni Maestro Hardino. Sa pagkakataong ito ay pinaliligiran pa rin namin si Premond na walang malay.
"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Vladimir.
"Hanggat hindi pa siya nagigising ay dito muna siya mamalagi sa templo." sagot ni Hardino.
"Marahil sa oras na ito ay pinaghahanap na siya ng kanyang mga kasamahan niya." sabi ni Emeralda.
Masyadong minaliit ng mga kasamahan niya ang kakayahan namin. Akala siguro nila na kayang-kaya ni Premond na matalo ako ng mag-isa.
Maaaring kaya nila ako makuha dahil hindi masyadong kalakasan ang kapangyarihan ko. Ngunit sa tulong ni Rizane kanina ay naging matagumpay ako.
MALALIM na ang gabi at kabilugan muli ng buwan. Isang malakas na ungol nila Fox at Wolf ang aking narinig mula sa labas ng templo. Sa gabing ito ay nagkatawang asong lobo ang dalawa na nagbabantay sa labas ngayon.
Narito kami nila Vladimir, Rizane, Emeralda sa may sala nagpapahinga at nag-iisip ng gagawin sa unang hakbang sa paglusob sa palasyo upang iligtas si Venice.
"Hindi tayo maaaring magplano lang kung paano lulusob, Emeralda. Dapat kaya din nating kalabanin ang mga tauhan ni Conrad." nag-aalalang tinig ni Vladimir.
"Alam ko Vladimir, pero basta magsama-sama tayo. Kakayanin natin kalabanin sila." sagot ni Emeralda.
Biglang may pumasok sa isip ko na isang idea. "Emeralda, diba mayroon kang libro ng mga Elite Vampire. Pwede natin malaman ang maaari nilang kapangyarihan doon." suhesyon ko.
Natigilan si Emeralda at bahagyang napangiti. Mabilis niyang kinuha ang bag nito at hinanap sa loob ang librong binanggit ko. Nang makuha niya iyon ay nilapag niya ang libro ng mga bampira sa harap namin lahat.
"Meron ka palang libro ng mga Elite vampires?" gulat na tanong ni Rizane.
"Oo, pagmamay-ari ito ng aking mga magulang, Rizane." sagot ni Emeralda.
Bakas sa mukha ni Rizane ang pagkamangha sa nakitang libro. Marahil ay ngayon lang niya nalaman na may libro ang mga Elite vampires.
"Buksan mo na Emeralda!" sabik na Vladimir.
"Excited!" asik ko sa kanya.
"Syempre! para maisip agad natin kung ano ang pwedeng kahinaan nila." dahilan niya.
Hindi na ako nagsalita. Kung iisipin ay tama ang sinabi ni Vladimir. Kung malalaman namin sa libro ang kapangyarihan ng mga kalaban ay magkakaroon na kami ng idea kung paano sila tatalunin.
"Babasahin ko na." sabi ni Emeralda.
Sinimulan na niyang buklatin ang pahina ng libro dito sa harapan namin. Tulad ng inaasahan ay hindi ko maintindihan ang mga lenggwahe na nakasulat mula sa libro dahil ito ay salitang espanyol.
Sa aming lahat ay si Emeralda lang ang nakakabasa nito.
"Paano natin malalaman sa libro kung ano ang kapangyarihan nila?" tanong ko.
"Madali lang malaman Sapirah, sa nakita nating pag-iiba ng kulay ng buhok at mata. Malalaman natin ang tinatagong kapangyarihan nila." sagot ni Emeralda.
Sa mga naging kalaban namin kanina ay dalawang tagasilbi ni Conrad ang hindi nagpakita ng kapangyarihan. Tanging si Nikacia at Maximo lamang ang hindi nakipaglaban sa amin.

YOU ARE READING
Sweetest Blood : The Supermoon Blue Blood Moon
Vampire[COMPLETED] - Vladimir Montezilla, isang gang leader ng Blood gang na wala ng ginawa kundi ang vandal ng bahay tuwing full moon bilang katuwaan. Isang gabi ay nabiktima nila ang mansion na pamamay-ari ng isang dalagang bampira na nakasuot ng facema...