SAPIRAH'S POV
"Sapirah! Answer this question in the board!" tawag sa akin ni Sir Mendez.
Hindi maari kapag tumayo at lumingon ako sa kanya. Kung makita nila ang mata kong naging kulay asul siguradong magtataka sila.
Ang mga pangil ko ay nagsilabasan na. Nagsimula narin akong nakaramdam ng pagliliyab ng aking lalamunan na parang umaapoy at kailangan ng dugo upang maaapula ito.
Nauuhaw ako sa dugo.
"Okay ka lang Sapirah?" tanong sa akin ni Emeralda na kalmado lang.
Bakit lumabas ang pagiging bampira ko nang makausap ko na siya? Anong meron kay Emeralda?
"Sapirah! Are you listening? Stop talking to your classmate!" lumakas na ang boses ni Sir Mendez dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako gumagalaw.
Tinabunan ko ang mata ko ng mataas kong buhok.
Pinilit kong pigilan ang pagbabagong anyo ko dahil kung hindi ko mapigilan baka malapa ko ang mga classmate ko dito. Lalo na kung napapasilip ako sa kanila ay kitang-kita ko ang dugong lumalantay sa buong katawan nila.
Naglalaway akong makita iyon.
"Sapirah! Gusto mong lapitan pa kita!" uminit na ang ulo ni Sir Mendez sa akin at balak na akong lapitan ngayon dala ang mataas na stick na hawak nito.
Nagsimula naring magbulongan ang mga classmate na nakapaligid sa akin. Para na akong mababaliw sa gagawin ko. Sobrang nahihirapan na ako.
"Help me..." bulong ko.
Hinawakan ni Emeralda ang kamay ko at may pinasuot sa akin na isang sing-sing. Isang kulay luntian na sing-sing.
Matapos kong masuot iyon ay biglang nawala ang pagliyab ng aking lalamunan at uhaw sa dugo nang nasa daliri ko na nakasuot ang bagay na iyon. Naglaho na lang bigla na para bang walang nangyari.
"Sapirah... may sakit kaba? Bakit ka nakadungo kapag tinatawag kita?" tanong ni Sir Mendez na nasa harap na namin siya ni Emeralda.
Sa pagkakataong ito ay gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa sing-sing na suot. Lumingon na ako kay Sir Mendez at tumayo.
"Kasi sir... hindi ko pa maintindihan ang question kaya nahihiya akong sumagot sa harap." Pagsisinungaling ko.
"Kung hindi mo pa naiintindihan, dapat sinabi mo agad para hindi pa ako lumapit dito."
"I'm so sorry sir... I won't do that again." sabay dungo ko.
Nakakahiya na sa mga classmate ko pero ito lang ang tanging alam kong idadalihan ngayon.
"I want to answer sir!" sabay taas ng kamay ni Emeralda.
Nag-volunteer siya na sumagot para sa tanong na nasa pisara.
Lumayo na si sir Mendez sa akin. "Okay Emeralda... you may go now in front." sabi niya.
Hinayaan niyang si Emeralda ang sumagot sa black board kaysa sa ako.
"Sapirah... you may sit down." wika ni sir Mendez na makita na niyang si Emeralda na ang sumusulat sa blackboard.
Gumaan na ang pakiramdam ko ngayon. Akala ko ay katapusan ko kanina. Mabuti narin ay nawala ang pabago-bago ng kulay ng aking mga mata bago pa makalapit si sir Mendez sa sakin.
Ilang saglit lang ay natapos na ni Emeralda na sumagot sa board na parang walang kahirap-hirap.
"Let's give a hand to Emeralda... her answer is correct." sabi ni sir Mendez.'

KAMU SEDANG MEMBACA
Sweetest Blood : The Supermoon Blue Blood Moon
Vampir[COMPLETED] - Vladimir Montezilla, isang gang leader ng Blood gang na wala ng ginawa kundi ang vandal ng bahay tuwing full moon bilang katuwaan. Isang gabi ay nabiktima nila ang mansion na pamamay-ari ng isang dalagang bampira na nakasuot ng facema...