SAPIRAH'S POV
Kinabukasan ay maagang nagtipon-tipon sina Nikacia, Maximo, Asusina at Lucas dito sa harap ng trono ni Conrad. Habang pinagmamasdan ko silang magkatabing nakaluhod ang isang tuhod nila at nakatingala sa nakaupong Prinsipe ay nanatili lang akong tahimik dito sa gilid.
"Kamusta na ang pagbabantay sa rebulto ng aking ama?" tanong ni Conrad sa mga tauhan niya.
"Prinsipe, may isang kakaiba bulong po kaming narinig sa amig pagbabantay." magalang na sagot ni Asusina.
"Bulong? Saan galing ang bulong na iyon? Ano ang narinig ninyo?" bahagyang napakunot noo tanong muli ni Conrad. Bakas sa mukha nito na naging interesado ito sa balita ni Asusina.
"Isang bulong galing sa rebulto Prinsipe, nanghihingi po ito ng dugo sa amin. Ang totoo po ay kasama ko si Sapirah nang marinig ko iyon." sagot muli ni Asusina.
Bahagyang naningkit ang mata ni Conrad at tila napa-isip sa narinig. Napayukom ang isang kanang kamao. Ilang sandali ay napabaling ang paningin sa akin.
"Totoo ba ang sinabi ni Asusina, Prinsesa Sapirah?" tanong niya sa akin.
"Oo," bagot kong sagot. "Pero tatlong beses lang iyon. Pagkatapos ng ilang oras ay wala na kaming narinig pa ulit sa rebulto ni Haring Xeres." Sagot ko.
Sinabi ko rin ang nalalaman ko upang masolusyunan na ang kaguluhan na ito. Kahit ako mismo ay napapaisip kong bakit nakarinig kaming dalawa ni Asusina ng bulong na iyon.
"Mabuti ay hindi ninyo binigyan ng dugo?" si Conrad.
Napasinghap si Asusina bago ito sumagot. "Hindi namin sinunod ang aming narinig Prinsipe Conrad dahil sa takot na muli itong maglikha ng malakas na ipo-ipo at masaktan kami."
Bahagyang napatango-tango si Conrad na tila kontento ito sa naging desisyon namin kagabi.
"Mabuti." matipid nitong sagot.
"Hanggang kailan po namin babantayan ang rebulto ng Haring Xeres, Prinsipe?" tanong ni Lucas.
Muling napaisip si Conrad bago ito magsalita. "Mamayang gabi, magkita tayong lahat sa labas. Doon ko sasabihin ang plano ko sa aking ama." pormal nitong sagot.
"Opo." sabay nilang sagot.
Ilang sandali ay umalis na agad si Conrad sa harap namin at pumasok sa madilim na lagusan na nasa likod ng trono niya. Sa pag-alis nito ay sabay din na tumayo sina Lucas at mga kasamahan niya ng tahimik. Napaisip agad ako sa plano ni Conrad. Kung ano man iyon ay hihintayin ko na lang mamaya.
SA hardin habang sakay ng kabayo ay nahininto ako sandali sa pagpapatakbo nito. Kasama si Lucas ay nahinto rin ito sa sinasakay niyang kabayo.
Mula sa malayo ay nakita ko ang mga abalang kawal na pinagtulungan na tanggalin ang gintong rebulto Haring Xeres sa water fountain.
Nakita ko rin sina Prinsipe Conrad, Maximo, Asusina at Nikacia sa lugar na iyon na nagmamasid.
"Anong gagawin nila sa rebulto Lucas?" tanong ko.
"Itatago ang rebulto ni Haring Xeres sa isang kwarto kung saan wala sinong man ang maaaring makakapasok." sagot niya.
Sa kuryusidad ko ay bumababa ako sa kabayo upang lumapit doon. Ganoon din si Lucas na sumunod sa akin. Sa paglapit ko ay dinala ng mga kawal sa loob ng palasyo.
Sa isang kwarto ay dahan-dahang binuksan nila Maximo at Lucas ang malaking bakal na pintuan. Sa tulong ng kawal ay doon ipinasok ang rebulto ni Haring Xeres na pinalilibutan pa rin ng bakal na kulungan.
Nang matagumpay na itong naipasok sa loob ay pumagitna agad si Conrad kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Simula ngayon, walang sino man ang pwedeng makapasok dito!" anunsyo niya.

YOU ARE READING
Sweetest Blood : The Supermoon Blue Blood Moon
Vampire[COMPLETED] - Vladimir Montezilla, isang gang leader ng Blood gang na wala ng ginawa kundi ang vandal ng bahay tuwing full moon bilang katuwaan. Isang gabi ay nabiktima nila ang mansion na pamamay-ari ng isang dalagang bampira na nakasuot ng facema...