Chapter 1- Full moon

1.3K 38 31
                                    

VLADIMIR'S POV

Sa isang lumang buiding ang kung saan na tinatawag naming Blood territory kami nagkumpulan ng mga kasamahan ko.

Gabi na ng mga oras na iyon at tanging liwanag lamang ng isang puting bumbilya ang nagsisilbing liwanag namin sa lugar na iyon.

Hawak ang mataas at bagong biniling baseball bat ay dahan-dahan kong iginiya ang dulo nito sa baba lalaking nakaluhod sa harap ko ngayon. Ang edad niya ay hindi lang din nalalayo sa akin na nasa biente anyos din katulad ko.

"Biko! Ano mag salita ka!" sigaw ko sa kanya.

"Wala talaga akong kinalaman sa nangyaring rambol na nangyari kagabi," nagagaral-gal niyang wika.

Hindi ako kumbensido sa sinabi niya kaya nasipa ko siya ng malakas sa mukha. Sa ginawa kong iyon ay unti-unti ng dumaloy ang dugo mula sa ilong niya.

"Ginagalit mo talaga ako!"

"Nagsasabi talaga ako ng totoo Vladimir.. maniwala ka," sa tono nang pananalita niya ay para bang nagmamakaawa siya sa akin.

Hindi ako ang tipong maawain lalo na sa mga kalaban namin na gang.

"Kung hindi ikaw ang utak ng rambol na nangyari kagabi.. sino ang may gumawa noon?!" sigaw ko.

"Hindi ko alam!"

Isang sipa ulit sa mukha ang binitawan ko sa kanya. Marahas kong hinawakan ang kwelyo niya gamit ang isang kamay ko at pinatayo siya.

Ang mga mahigit sa sampo kong mga kaibigan ang nakatingin sa amin ay nakangiti lamang upang abangan ang gusto kong gawin na pag torture sa lalaking ito.

"Hindi mo sasabihin?" tanong ko ngunit kasabay nito ang pananakot ko.

"Nagsasabi talaga ako ng totoo Vladimir!"

Bigla ko siyang binitawan na ikinahiga niya sa sahig. Mabilis kong itinaas ang baseball bat at malakas na ipinalo sa sikmura niya.

"Aray!" sigaw niya.

Na napahawak agad sa sikmura at namimilipit sa sakit.

"Ayaw mo talaga umamin huh!"

Isa pang hampas ang binitiwan ko sa kanya. Hindi parin siya nagsasalita kaya sininyasan ko na ang mga kasamahan ko na nais kong lumapit sila sa akin sa pamamagitan lamang nang paghawak ng batok ko. Kapag ginawa ko na ang bagay na iyon ang unang lalapit ay mga dalawang malapit sa akin.

Ang unang lumapit ay si Wolf at si Fox. Sila ang malalapit kong kaibigan dito sa gang na pinamumunuan ko.

"Ano'ng gusto mong mangyari Vladimir?" tanong nilang Fox.

Si Wolf ay ang pinaka tahimik kong kaibigan, matipid din kong magsalita ngunit siya pinakamasunurin kong kaibigan samantalang si Fox ang pinaka maingay ngunit magpagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay.

"Naauubos na ang pasensya ko sa Biko na yan, kaya kayo na ang bahala magpakanta sa hampas lupang iyan!"

Umunat-unat silang dalawa ng katawan at hinarap ang bihag namin.

"Maawa kayo," pagmamakaawa ni Biko.

Hindi nakinig ang mga kasamahan ko kung kaya't wala tigil siyang pinagsisipa at pinaghahampas ng mga kasamahan ko.

Yan ang bagay sa kanya dahil ang kabayaran sa gulong idinulot ng grupong kinabibilangan niya.

Si Biko ay kaisa-isang kapatid ng Lider na kalaban naming grupo na Sagadaz Gang. Ang Gang din nila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nasa ospital parin ang lima naming miyembro.

Sweetest Blood : The Supermoon Blue Blood MoonWhere stories live. Discover now