Chapter 32- 18 Roses

217 13 10
                                    

SAPIRAH'S POV

Sa gabing ito, ang buong Blood gang, Pamilya ko, Tito Andrew, Emeralda, Zoren at Laura ay masayang nakwe-kwentuhan dito sa loob ng Blood gang territory para magsaya sa kaarawan ko. Ito ang araw ng aking debut.

Ilang saglit ay dinala ako ni Mommy at Daddy sa gitna ng venue habang pinaliligiran ako ng mga kaibigan ko.

"Happy Birthday anak." bati sa akin ni Dad at Mom.

"Thanks Mom at Dad sa surprise." nakangisting sabi ko.

Nagbeso sila sa akin at yumakap. Nagpatugtog ng piano si Zoren sa bandang gilid namin at si Laura ang may gamit ng violin para simulan na pagsasayaw sa akin ng 18 member ng Blood gang.

Unang nakasayaw ko ay si Carter, hanggang sunod-sunod na. Si Limuel, Rafael, Christopher, Gregor, Darwin, Harold, Kerwin, John, Miko, Japhet, Edwin, Norman, Oliver, Basillio, Wolf at Fox.

Ang huling nakasayaw ko ay ang boyfriend kong si Vladimir na ika 18 roses ko. Ibinigay niya sa akin ang huling rosas na matatanggap ko.

"Happy birthday my savior, my predator, my boss and my love." nakangiting bati sa akin ni Vladimir habang sinasayaw ako.

"Crazy! sobrang dami ng sinabi mo."

"Syempre... lubos-lubos na ito dahil minsan lang magbirthday ang babaeng bampira na tulad mo."

Napangiti ako. Nakaasar tong si Vladimir palagi niya akong pinakikilig. Bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko. Umiinit ang tuloy ang pisngi ko sa harap niya.

"Pwedeng mahingi ng dugo mo Vladimir." sabi ko.

"Oo ba pero konti lang."

"Bakit?"

"Baka ma-adik ka sa akin at hindi mo na tigilan ang pag-inom ng dugo ko." nakangising sabi niya.

"Diba sabi ko di kita kakainin ng buo, titikman lang."

"Mamaya kapag tayo na nalang." napangiting aso siya.

Sa sinabi niya ay mukhang naging excited ako. Ayoko talagang inumin ang dugo ni Vladimir pero natutukso kasi ako sa gandang lalaki ni Vladimir. Ang sarap niya talagang kagatin. Sa tuwing umiinom pa ako ng dugo niya ay mas lumalakas ako.

Hindi ko mapigilan na maakit sa kanya lalo na sa nakaka-kilig niyang ngiti. Para akong nasa langit kapag nasa harap ko siya at kausap.

Nang natapos na ang kanta ay sayaw namin ni Vladimir ay nagpalakpakan ang mga taong nakapaligid sa amin na dumalo sa kaarawan ko.

"Happy Birthday Sapirah!" sigaw nila.

Ang saya-saya ng araw na ito. Lahat sila ay masaya para sa araw ng Debut ko na pinagmamasdan kaming dalawa ni Vladimir na nakatayo dito sa gitna. Sabay kaming napabow sa kanila na magkahawak ng kamay.

Ilang saglit sa gitna nang kasiyahan namin ay biglang umangol-ngol ang alaga kong aso na sina Sweetdream at Nightmare sa harap ng bintana.

Natigil kami sa kasiyahan at napabaling kaming lahat sa dalawang aso kong nag-iingay. Anong nangyayari sa mga alaga kong aso? 

"Sweetdream at Nightmare anong nangyayari sa inyo?" nag-aalalang tanong ko.

Tahol ng tahol pa rin silang dalawa. Isang segundo lang ay biglang tumakbo ang dalawang aso ko sa likod ko. Anong nangyayari sa kanila? Para silang natakot.

Isang nakakasilaw na liwanag ang nakita namin mula apat na bintana. Ang liwanag ay galing mula sa labas. Napatabon kami ng mata ng bahagya.

"Layo kayo dyan!" sigaw ni Emeralda.

Sweetest Blood : The Supermoon Blue Blood MoonWhere stories live. Discover now