SAPIRAH'S POV
Pagmulat ng aking mga mata. Naramdaman kong nakahiga ako sa isang malambot na kama. Paglingon ko sa aking tabi. Si Rizane ay nahihimbing pa rin ang tulog.
Nadatnan kong nakayakap siya sa akin. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. Pagtingin ko sa may papag ng kwarto ay wala na sina Vladimir, Fox at Wolf sa kanilang higaan.
Sa may balkunahe naman ay nakita ko si Emeralda na nakatayo. Kaharap ang isang ibon ng kwago. Dahan-dahan akong umalis sa kama upang hindi magising si Rizane.
Nang makaalis na ako sa kama ay nilapitan ko si Emeralda sa may balkunahe.
"Ikaw na bahala Dante." sabi ni Emeralda kaharap ang kwago.
Mula sa pagkakadapo nito sa kanyang braso. Ilang sandali ay pumagaspas ang pakpak nito palipad palayo sa amin ang ibon. Lumingon nang banayad ang mukha ni Emeralda sa akin.
"Anong ginawa mo sa kwago na iyon?" tanong ko.
"Nagpadala ako ng mensahe sa aking Ama na maayos tayong nakarating sa lugar na ito." pormal na sagot nito.
"Ganoon ba." matipid na wika ko.
Tumingin ako sa paligid ng bahay na ito mula dito sa itaas. Nakita ko ang mga kapwa bampira ko na naglalakad na nakasuot na kulay maroon na balabal. Katulad ng suot ni Rizane ng una namin siyang nakilala.
Marahil ganito ang normal na suot dito sa mundong ito maliban sa pangkaraniwang damit noong unang panahon. Naramdaman ko din malamig na ihip ng hangin na parang kasing lamig ng pasko na sa mundo ng mga tao.
"Kamusta ang tulog mo Sapirah?" tanong ni Emeralda.
"Ayos lang, naninibago lang ako dahil malayo ako sa mga magulang ko at alaga kong aso."
Bahagyang ngumiti si Emeralda. "Wag kang mag-alaala, makakabalik din tayo sa mundo natin."
Mabait akong tumango-tango. Sana ay magkatotoo ang sinabi ni Emeralda na makakabalik pa kami sa mundo namin. Ilang sandali ay naalaala ko ang tungkol sa iba pa naming kasamahan.
"Nasaan na pala sila Vladimir?" tanong ko.
"Maaga silang pinuntahan dito ni Hardino, para sa unang ensayo."
Naalala ko na napagkasunduan pala nila Vladimir na si Hardino ang magtuturo sa kanila kung paano makipaglaban. Sana ay marami silang matutunan mula kay Maestro Hardino.
"Nasabi mo na ba sila tungkol sa plano natin na tulungan si Rizane sa kweba?"
Tumango-tango siya. "Oo, handa silang samahan tayo sa kweba mamayang gabi."
"Mabuti, gusto ko rin tulungan si Lola Normina."
"Ako rin, Sapirah."
Sa pag-uusap namin dalawa ay gumising na rin si Rizane. Bumangon siya sa kama at lumapit sa amin.
"Kanina pa ba kayo gising?" tanong niya.
"Kakagising lang din namin." sagot namin ni Emeralda.
Ilang sandali ay nagpasya na kaming bumababa para kamustahin si Lola Normina. Ang kabute na kinuha namin ni Rizane kagabi ay ginawa ng pamahid sa sugat ni Lola Normina sa tulong ni Pacita.
PAGDATING ng hapon, malapit sa may talon ay nagpasya kaming tatlo na magtipon doon. Sa palaso at pana ni Emeralda ay tinuruan niya kaming dalawa ni Rizane na gamitin iyon.
"Ikaw naman Sapirah." sabi ni Emeralda.
Binigay sa akin ni Emeralda ang pana at palaso nito. Nasa harap namin ang puno na may guhit ng parang dart board. Ang dapat kung mataaman ang cherry sa gitna na kulay pula nito.

YOU ARE READING
Sweetest Blood : The Supermoon Blue Blood Moon
Vampire[COMPLETED] - Vladimir Montezilla, isang gang leader ng Blood gang na wala ng ginawa kundi ang vandal ng bahay tuwing full moon bilang katuwaan. Isang gabi ay nabiktima nila ang mansion na pamamay-ari ng isang dalagang bampira na nakasuot ng facema...