26

338 25 4
                                    

Hindi ko naman kailangan ang payo nila tungkol sa pag-ibig. Hindi naman kasi iyon ang dapat kong pagtuunan ng pansin. Oo, may gusto sa akin si Vico ngunit naniniwala akong mawawala rin iyon.

Oo, gusto ko si Lui ngunit tingin ko'y mawawala rin ito. Kaya ang kailangan kong pagtuunan ng pansin... ay si Lui. Dahil kung mabibigo ako sa kanya, si Senyorito Nikolas ang mawawala.

At hindi yata kakayanin ng aking konsensya na mawala na lamang siya bigla nang dahil sa pagtulong niya sa akin noon. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Dahil sa kanya kaya buhay pa ako ngayon---nandito nga lang sa ibang panahon.

Kaya hindi! Hindi ko kailangan mamili kina Lui at Vico.

"Choose wisely, Liliana!" malakas na sabi ni Acacia nang nandito na ako sa pinto ng locker room namin.

Napailing na lamang ako habang natatawa. Ano ba ang kanilang pinanggagagawa sa buhay ko? Wala naman silang alam sa mga dapat kong gawin dito. Hayaan na lang sana nila akong kumilos mag-isa. Isa pa, hindi ako sanay na may nakikialam sa akin.

Ngunit masarap pala sa pakiramdam na may mga taong umaalala sa atin. Na nais tayong tulungan kahit hindi natin hilingin.

Pagbukas ko ng pinto, si Senyorito Nikolas kaagad ang nakasalubong ko. Nakahalukipkip siya habang walang emosyong nakatingin sa akin. Kung hindi ko lang talaga alam na multo siya ngayon, iisipin ko na isa siyang tao dahil sa kulay niya na buhay na buhay.

Bahagya akong yumuko at nilampasan na lamang siya na kinabigla niya dahil tumagos lamang ako sa kanyang katawan. Grabe, ang lamig niya pala.

"Gabing-gabi na ang tapos ng iyong trabaho rito?" tanong niya na hindi ko sinagot sapagkat may mga tao pa akong nakakasalubong.

Baka isipin na naman nila, siraulo ako.

"Uuwi ka na? Liliana, maaari ba tayong mag-usap? Ang dami kong nais malaman. Simula kaninang umaga, wala ka pang sinasagot sa aking mga tanong. Alam mo man lang ba 'yung pakiramdam na litong-lito sa mga nangyayari?"

Sana talaga, katulad niya rin ako na hindi masyadong napapansin dito sa lugar na ito. Tulad niya, hindi ko kailangang maghanap ng matutuluyan, ng pagkain, ng damit. Magpapagala-gala na lamang ako sa kung saan. Nais ko rin mapuntahan ang iba't-ibang lugar sa mundo. Kaso hindi naman libre ang maglakbay.

Kung libre siguro ang paglalakbay, baka hindi niyo na ako makita ulit.

Tumigil lang sa pagsasalita si Senyorito Nikolas nang makasalubong namin sa lobby si Vico na kakarating lang. May dala pa siyang bag na malaki.

"Hi, Liliana," nahihiyang bati sa akin ni Vico.

Bahagya akong yumuko, "magandang gabi."

"Are you going home now?"

Tumango ako.

"Can we talk?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako, "sige."

Lumabas kami sa gusali ng Presello at nagtungo kami sa isang kapehan na kung tawagin niya ay coffee shop daw.

Nandito kami sa gilid, sa tabi ng bintana at kitang-kita ko mula rito ang mga sasakyan sa kalsada. May mga kumukutikutitap namang ilaw na nakasabit sa puno sa labas. Kahit dito sa loob, mabuhay ang tanawin. Kakaunti ang tao, tahimik at nakakagising ang amoy ng kape. Masarap din 'yung cupcake.

"Bago ang lahat..." sabi ko ngunit saglit akong natigilan dahil nakita ko si Senyorito Nikolas na sinusubukang hawakan ang buhok ni Vico.

Hay! Para naman akong may kasamang bata rito.

Back To The Future (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora