54

261 11 1
                                    

Ayoko pang mamatay... hindi pa tapos ang dapat kong gawin. Ginawa ko lamang iyon dahil nais kong makaramdam ngunit nagkamali ako dahil sobrang nanginginig na ang aking mga kamay.

Akala ko talaga, mamamatay na ako ngunit nagkamalay ako sa loob ng isang ospital, sobrang nanghihina at medyo nahihilo pa. Kaunting galaw, para akong matutumba.

Si Lui agad ang bumungad sa akin nang magising ako at umaga na rin. Nakatulala lang siya sa akin, tila hindi alam kung anong nangyayari. Nang tinangka kong bumangon, agad siyang tumayo at lumapit sa akin, "magpahinga ka muna," walang emosyong sabi niya habang hawak ang balikat at braso ko upang hindi ako bumangon.

"B-bakit ka nandito?" kinakabahang tanong ko. Nakiusap ako kay Trina na huwag sasabihin kay Lui ang tungkol dito kaya bakit siya nandito?

"Trina called me," diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko. "I have a lot of question, Liliana," aniya ngunit mukhang wala siyang balak tadtarin ako ng tanong ngayon. Pinapaalam niya lang na marami siyang tanong. Iniisip niya pa rin ang kalagayan ko kahit pa lang beses ko na siyang sinasaktan.

Nag-iwas ako ng tingin at huminga nang malalim, "nais ko munang magpahinga," mahinang sabi ko ngunit ang totoo niyan, nais kong manatili siya rito. Siya lang ang pahinga ko sa nakakapagod na mundong 'to.

Bahagya siyang tumango at tumayo, "but promise me you'll never do that again."

Yumuko ako, "h-hindi ko naman balak magpakamatay."

"So what was that?" nang-uuyam niyang tanong.

"Nais ko lang makaramdam."

"Anxiety attack?"

Hindi ako sumagot. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Batid kong hindi na maganda ang pagsasama namin ni Lui dahil kada magkikita kami tuwing Linggo, hindi nawawala 'yung nagkakasakitan kami. Tulad na lamang noong nakaraan. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na siya mahal kahit ang totoo niyan ay mahal na mahal ko pa siya. Tapos naniwala naman siya. Wala ba siyang tiwala sa pagmamahal ko? Sabagay, palagi ko na kasing pinapasinungalingan ito.

Marahang naupo si Lui sa gilid ng hospital bed ngunit hindi ako nag-angat ng tingin. Nakita ko ang kamay niyang hahawakan sana ang mga kamay ko ngunit kinuyom niya iyon at saka binawi. Nanikip na naman ang dibdib ko. "Why don't you visit your doctor?"

"Baka malaman mo---gamitin mo pang rason upang bumalik ako sa bahay niyo," walang emosyong sagot ko rin. Hindi maayos ang pakiramdam ko ngunit kailangan kong panindigan ang pagpapanggap kong kaibigan na lamang ang tingin ko sa kanya.

Bahagya siyang natawa kaya napaangat ang tingin ko sa kanya, "ganun mo kaayaw sa akin kaya okay lang na mapahamak ka, huwag ka lang bumalik?"

Hindi kaagad ako nakakibo. Iniisip niyang ayaw ko sa kanya? Kung ganun, "oo," mahinang sagot ko at ramdam ko na naman ang paninikip ng dibdib ko.

Mabagal siyang tumango at kita ko ang sakit at pagkairita sa kanyang mga mata. Tumiim din ang bagang niya, "then give me a reason why you don't like seeing me aside from that oplan-detachment na 'yan."

Napakurap-kurap pa ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Gagawa na naman ako ng bagong kasinungalingan, "ayoko lang na pinipilit mo akong manatili rito---"

"I'm not forcing you, Liliana. You said you want to stay here," diin na sabi niya.

"Hindi na ngayon," umiiling na sabi ko. "Pagod na ako, Lui. Nakakapagod 'tong panahon niyo."

"That's why you want to end your life?" kunot-noong tanong niya.

Umiling ako, "hindi ko nga balak magpakamatay. Gusto ko lang makaramdam." Ano ba ang mahirap intindihin dun?

Back To The Future (COMPLETED)Where stories live. Discover now