34

282 25 2
                                    

"It sucks," ani Patty habang nakangiwi matapos niyang tikman iyong niluto ko. Napapailing naman si Senyora Loren habang ngumunguya at mukhang hindi siya nasisiyahan sa kanyang kinakain samantalang tuwang-tuwa naman si Senyora Solen.

"Still, you're the best." Napangiti ako sa sinabi ni Lui. Binaling niya ang kanyang tingin kay Senyora Loren, "if you'll judge her based on our issues here and not based on her performance, then you're not, in any way, capable of being one of the judges." Ngumisi pa siya.

Umirap naman si Senyora Loren bago ako tiningnan, "how did you learn this kind of dish?" nakataas pa ang kanyang kilay. Panay pa rin ang pag-ikot ng mga mata ni Patty ngunit panay rin naman ang kain niya ng aking luto.

Kinakabahan ako dahil nasa sa akin lahat ng pansin nila. Nakita ko namang naglalakad si Senyorito Nikolas at nagtataka sa kung ano ang ginagawa namin dito. Maya-maya pa'y tumabi na siya kay Patty habang nakatingin din sa akin, wari ay isa rin siya sa mga tumikim ng aking luto.

Huminga muna ako nang malalim, "tinuruan po ako ni Chef Yu sa Presello kung paano po lutuin ang ibang dish," kalmadong sabi ko habang humihinga nang malalim.

Sigurado ba ako na papasukin ko ang cooking contest na ito? Parang isasabotahe lamang ako ng Senyorang ito. O kung hindi man, baka mapahiya ko lamang si Senyora Solen. Ayoko namang mangyari iyon.

"So this is just a... clone?" natawa siya sabay tingin kay Senyora Solen, "She doesn't even have originality."

Tumikhim ako kaya muli silang napatingin sa akin, "natuto po ako kay Chef Yu kung paano mag-luto ng mga bagong putahe kaya ang lutong iyan ay sarili ko pong recipe. Kada Linggo po ay hinahayaan nila kaming gumawa ng sarili naming recipe," kalmadong sabi ko.

Mainam din pala ang ensayong isinasagawa sa amin ni Chef Yu. Kada Linggo, kapag may bago kaming luto ay hinahayaan niya kaming ipaliwanag ang aming luto. Kung ano ang mga nilagay at hinalo namin, kung ano ang tawag namin sa luto namin at kung bakit namin iyon niluto.

Kaya heto, natuto na akong magsalita sa harap ng mga tao.

Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Lui para sa akin. Siguro dahil ngayon niya lamang ako nakitang ganito magsalita sa unahan. Lalo tuloy akong natutuwa dahil sinusuportahan niya ako sa nais kong gawin--ang mag-luto para sa ibang tao.

Kahit pa noon ay madalas niya akong laitin dahil hindi naman daw masarap ang aking luto.

"You really wanted to join the competition?" nakataas pa rin ang kanyang kilay sa akin. Gusto ko na lang umiling dahil hindi naman talaga ako mahilig makipagkompetensya kaso baka malungkot ang Ina ni Lui. Ngunit paano kung mapahiya lamang ako? Ang daming pag-aalinlangan. "You still need to pass the requirements, Liliana." nilingon niya si Senyora Solen na katabi niya lamang, "I'll send you the list of requirements and I need her requirements tomorrow because the day after tomorrow will be the date of competition," mataray na litanya nito bago tumayo bitbit ang kanyang bag, "I'll just use the rest room." Naglakad na siya papalayo sa amin at sumunod naman sa kanya si Patty.

Tumayo naman sina Lui at Senyora Solen at naglakad papalapit sa akin habang parehong malawak ang kanilang mga ngiti, "feels like a victory already."

"'Ma," saway ni Lui sa kanyang Ina. Kahit ako, nabigla sa sinabi ng kanyang Ina. Kanina pa siya tila nang-aasar doon sa dalawa.

"Galit po ba kayo sa kanya?" nakangiwing tanong ko.

Bumuntong-hininga siya ngunit nakangiti pa rin, "you really need to win that competition, Liliana."

"But we don't have those requirements, 'Ma."

Tama si Lui. Tiyak na kung anu-ano na namang papeles ang hihingin sa akin at wala ako ng mga iyon. Kung bakit ba naman kasi ang daming hinihinging bagay sa mundong ito upang mabuhay. Nais ba nilang malaman kung tao kami o hindi? Hindi pa ba sapat na may pangalan kami?

Back To The Future (COMPLETED)Where stories live. Discover now