29

306 27 4
                                    

Hindi ako makabangon dahil ang higpit ng pagkakabalot sa akin ng kumot tapos ang sakit pa ng aking ulo. Maliwanag na rin sa labas.

Ano bang nangyari sa akin? Bakit ganito ang aking sitwasyon?

Pilit akong kumakalas ngunit natigil lamang ako nang biglang sumulpot si Senyorito Nikolas at nagulat pa siya nang makita ang aking sitwasyon.

"Anong nangyari sa iyo?" pagtataka niya habang nakatayo siya sa may pintuan. Ang tagal niyang nawala tapos sa ganitong sitwasyon niya pa ako matatagpuan. Kung minamalas ka nga naman.

"H-hindi ko po alam, Senyorito. Hindi ako makaalis." Pilit pa rin akong kumakalas hanggang sa mahulog na ako sa sahig kaya napadaing na lamang ako sa sakit. Natawa naman si Senyorito Nikolas sa sitwasyon ko.

Jusko naman! Ang sakit na nga ng aking ulo tapos ang sakit din ng aking katawan. Ang malas naman.

Kung hindi lang talaga maganda 'yung panaginip ko...

"Bakit po pala ngayon lamang kayo? Saan po kayo nakarating?" tanong ko dahil ngayon ko na naman lang siya nakita. Buti at hindi siya nawala. Naku, pahirapan pa naman maglakbay sa panahong ito. Masyadong malawak ang Maynila para sa akin.

Kung dati, ayos lamang sa akin na maglakad maghapon, ngayon, ang bilis kong mapagod dahil sa sobrang init.

"Hinanap ko 'yung matandang multo," nahihirapang sabi niya habang pinapanood ako sa pagpupumiglas ko. "Sandali at tutulungan kita," sabay lapit sa akin kaso hindi niya naman ako mahawakan.

Bumuntong-hininga ako at tumigil na lamang sa paggalaw dahil lalong sumasakit ang aking ulo dagdag pa na lalo akong nanghihina. Ayoko na talagang uminom.

"Nakatali ang kumot sa likod. Hindi mo talaga 'yan makakalas," natatawang sabi ni Senyorito Nikolas kaya napabusangot na lamang ako. Nakuha niya pang pagtawanan ang aking sitwasyon.

"Sino naman pong gagawa sa akin nito?"

"Si Lucas Ignatius, malamang. Hindi ba't siya lang naman ang nakakasama mo rito? O baka iyong Krisa o Manang Dulce."

"Si Lui, sigurado. Kami na lamang po ang tao rito sa bahay maliban sa Guardiang nasa tarangkahan," sabi ko.

"Bakit ka naman niya itatali?" kunot-noong tanong niya. "O baka naman may binabalak siyang masama sa iyo?"

Hindi kaagad ako nakasagot hanggang sa sabay na nanlaki ang aming mga mata sa gulat. Sa kaba ko, mabilis akong naglililikot sa aking pagkatali hanggang sa biglang may kumatok sa pinto.

Grabe, bakit ba ako natatakot kay Lui? Tiyak naman na hindi niya ako gagawan ng masama.

"Lui?" tanong ko.

"Huwag mong papasukin," bulong ni Senyorito Nikolas na para bang maririnig naman siya ni Lui kahit pa sumigaw siya.

"Lilinana, you're awake?" tila namamaos na tanong niya. Mukhang kakagising niya lang din.

Huminga ako nang malalim, "ikaw ba ang nagtali sa akin?" kinakabahang tanong ko.

Agad na bumukas ang pinto at agad niyang pinigilan ang tawa niya nang makita ako rito sa sahig na balot na balot ng kumot. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit mo ba 'to ginawa?" naiinis na tanong ko.

Medyo natigilan siya, "wala kang maalala kagabi?"

Kumunot ang aking noo at nag-iwas ng tingin habang pilit inaalala ang kung anuman ang nangyari kagabi. Nasa bar kami. Masaya kami.

Tapos...

Tapos...

Muli kong tiningnan si Lui, "m-masaya naman 'yung kagabi, hindi ba?" hindi siguradong sagot ko na kinakunot ng kanyang noo.

Back To The Future (COMPLETED)Where stories live. Discover now