Chapter Ten: Marven Espenosa

398 21 2
                                    

RHAXX

Natapos ang araw na walang masyadong nangyari, medyo bumait nga lang si Boss, I don't know what happened to him at bigla nalang bumait.

Pauwi na ako, dumaan lang ako saglit sa grocery store, naubusan ako ng stock. Bumili rin ako ng snaks at drinks, paubos na rin kasi. When I was about my to past a post someone blocked my way, and I know who he is. Agad akong kinabahan, I don't know what's happening to me, last time I feel it was I'm on Cebu.

"Excuse me." I said in a very respective voice. Though any minutes it would crack. Walang masyadong tao dito, kunti lang din ang dumadaan.

"It's nice to see you again, Rhyxx." Aniya habang nakangisi, kinikabutan ako sa paraan ng pagngisi niya. Para siyang manyak, nanayo ang balahibo ko.

"Y-yeah, if you excuse me, I have something to do." Excuse ko sa kanya, I really don't like the aura around him.

"Nah, don't do that, milady." Pinigilan niya akong makalampas sa kanya by holding my left elbow. Nanindig ang balahibo ko, but I remain composed and unbothered by his touch.

"What do you want?" I said and ready myself. Hawak - hawak niya ang aking braso habang ang isa naman ay nakapwesto sa likod ko.

"Wala naman, gusto lang kitang makita." Aniya at ngumisi, kinilabutan ako sa paraan ng pagngisi niya.

Binitawan niya ako, kaya napahinga ako ng maluwag pero naghahanda rin kung sakaling may gagawin itong mali. Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo, pero mga ilang metro pa lang ang layo niya ay tumigil ito, "Alam ko kung sino at ano ka, Mi Amore. Alam ko ang lahat." Pagkasabi niya nun ay umalis siyang iniwan akong naging bato sa kinatayuan.

Ang kaninang mga supot kong dala ay nahulog pala ng 'di ko namamalayan. Bumuntong hininga ako saka pinulot ang mga supot. Kahit nung nasa apartment na ako ay ang sinasabi pa rin ni Marven ang aking nasa isipan. Nababahala ako, ano ang sinasabi niyang alam niya kung sino at ano ako? Ang pagiging secret agent ko ba ang tinutukoy niya? Sino ba siya? Bakit parang ang dami niya atang alam? Walang hiyang Marven 'yun, pinag-ooverthink niya ako masyado.

~~~~~~

Lumipas ang ilang araw at lunes na naman, hindi pa naghihilom ang sugat ko pero di na ito masyadong masakit. Actually, bumalik na nga ako sa pag-eexercise ulit. Wala namang masyadong nangyari, pwera nalang sa pangungulit sa akin ni Marven. Ewan ko ba sa damuhong ito, bina-blackmail pa akong kapag di ko daw sundin ang utos niya ay sasabihin niya kay Boss kung ano ba talaga ako, tapos ayun para lang hindi masira ang mission kong 'to ay pumayag ako sa mga sinasabi niya. Gaya kahapon, kumain kami sa restaurant pero sabi niya date daw yun. Lakas mang-blackmail ng gago.

Napatigil ako sa pag-eencode ng may tao sa harap ng mesa ko. Isa pa itong taong 'to, ang kulit din ng lahi. Kanina niya pa ako sinabihang kumain na ng tanghalian, sabi ko namang tatapusin ko lang 'tong pag-eencode ko. Kasalanan din naman niya kung bakit hanggang ngayon wala pa akong kain, kung hindi niya sana ako binigyan ng sandamakmak na e-encode, ede sana nakapananghalian ako kanina.

Napatigil ako ng biglang may kumuha sa laptop. "Kumain ka muna, kanina pa akong nakatayo dito pero di mo 'ko pinansin at inuna pa 'tong pag-eencode." Napamaang ako sa sinabi niya. Seriously? Siya may nagbigay n'yan tapos ngayon siya pa may ganang sumumbat?

"Sabi ko naman sayo, kakain ako mamaya pagkatapos nitong pinapagawa mo. Kaya boss, akin na 'yong laptop para matapos ko na yan at makakain na ako, para matahimik ka na." Ani ko sa malumanay na boses, ayokong masira ang araw dahil lang dito sa lalaking nasa harap ko.

Hindi niya ako pinansin at hinawakan ang aking kamay at pinatayo, wala akong nagawa at sumunod nalang dito. Inilagay niya ang laptop sa ibabaw ng mesa ko saka kinaladkad palabas ng opisina. Kahit nung nakarating na kami sa elevator ay hawak-hawak niya ang aking kamay, nakatulala lang ako at hinayaan ang sariling ipatangay dito.

 Chasing You (Henry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon