Chapter Eight: Unknown Number

495 20 1
                                    

🖤🖤🖤

RHAXX

Fuck! Shit!

Ika-ika akong umalis doon at nagtatakbo patungo sa aking motor doon sa kabilang kanto.

Hawak hawak ko ang aking tagiliran at pilit na pinigilan ang pag-agos ng aking dugo. Pagkadating ko sa aking motor ay agad kung kinuha ang maliit kutsilyo na nakalagay sa aking hita, nandun din ang pistol at mga shurikens.

Pinunit ko ang aking damit hanggang kalahati at ang napunit ay siyang pinaikot ko sa aking baywang. Tagaktak ang pawis ko sa nuo at ininda ang sakit habang pinalibot ko ang tela.

Nagsimula ng manlabo ang aking mata pero pinilit ko ang sarili na sumampa sa motor at pinatakbo ito.

Halos minura ko na ang lahat ng mura habang pauwi ako sa aking apartment. Pagkapasok ko ay agad kong tinanggal ang mask, at mga sandata na inilagay ko sa aking katawan, hindi ko alam kung saan ko inilagay yun, nanlalabo na ang aking paningin, lahat ng nakita ko ay dumudoble na sa aking paningin.

Tumatagos na ang dugo sa tela, kaya kahit hirap ay nakarating ako sa sofa at nakatihayang umupo. Humahangos na ako, fuck! Wag mong sabihin na mamatay ako ngayon?!

Shit! Marami pa akong pangarap sa buhay, gusto ko pang magkaanak, gusto ko pang makausap ang aking ina, at meron pa akong isang mahalagang tao na hahanapin dito.

Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang pangalan ni Claud sa contact list.

Matagal-tagal bago niya sinagot ang tawag.

"[Hello Rhaxx! Oh ano? Na miss mo na ako agad? Alam kong namiss mo na ang gwapo mong kapatid. Hahaha!]" gago kamo! Isigaw ko sana yan kaso walang akong lakas at nanghihina nadin ako.

"G-gago!" Mahinang saad ko, ngayon ko lang alam ang sakit pala ng lalamunan ko.

"[Oy, Rhaxx okay ka lang? Anong nangyari? Pupuntahan kita diyan! Hintay lang! Hoy ano ba kasing nangyari?!]" kahit na gago to alam kung nag-aalala na siya sa akin.

"M-magdala k-ka ng p-pangtanggal sa bala, b-bilisan mo! Baka mamatay ako haha"

"[Loko ka Rhaxx! Teka lang! Andyan na! Shit! Asan ba yun inilagay?!]" rinig ko sa kabilang linya na may kinakalkal siya. "[Shit! Rhaxx! Hintayin mo ko! Wag mong ibaba tong tawag! Papunta na ako diyan!]"

Tulad ng sinabi niya ay hindi ko binaba ang tawag, naging mabigat na din ang aking paghinga.

"[Rhaxx! Nandyan ka pa! Hoy! Sumagot ka!]" sigaw niya sa kabilang linya.

"Ang i-ingay mo!"

"[Malapit na ako! Isang kanto nalang!]" ang bilis naman niya ata?

Maya-maya lang ay narinig ko ang pumarada na kotse at nagmamadaling mga yabag papunta dito sa loob.

"Fuck! Rhaxx! Shit! Gising! Hey!" Yinugyog niya ako. "Rhaxx!" Tinapik tapik niya ang aking pisngi.

"I-tigil mo na y-an, g-amutin m-o na a-ko" puputol putol kung sabi. Tang ina lang kita mo ng nakapikit ako at nahihirapan tapos yuyugyugin niya ako? Hutek lang!

"Fuck! Ito na! ito na!"

Tinanggal niya ang tela na ipinalibot ko doon at agad na tinakpan ang aking sugat ng puting bandage. Narinig kong meron siyang hinalukay doon sa dinala niya kanina pero di ko na makita yun dahil hirap na akong imulat ang aking mata. Inaantok na din ako at pagod na pagod.

NAGISING ako na nakahiga na sa aking kama at nakapalit na ng damit, maaga na at may pasok pa ako. Bumangon ako at ininda ang sakit saka naglakad papunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ay binendahan ko ulit ang aking sugat at nagsuot na ng damit para sa pasok ko ngayon, mabuti nalang at maaga akong nagising.

 Chasing You (Henry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon