Chapter Fifteen: Label

183 9 0
                                    

RHAXX

Weeks passed and ganun pa rin ang status namin ni boss, well, not like before, I think it's more than that. And now it's Sunday and walang pasok. Andito kami ni boss sa isang Mall, well, ako lang naman sana yung mamili kaso sumama kaya isinama ko na, inuna kong puntahan ay 'yung grocery area, ubos na ang stock ko.

Kumuha ako ng snacks and sweets. Kadalagay ko sa basket ay maglalagay din ito. May inilagay din siya na feeling ko ay gamit niya, meron ding pagkain at iba pa.

"I think, hindi 'to magkasya sa ref ko." Sabi ko at tinignan ito. Napatigil naman ito sa pamimili saka ako hinarap.

"Hindi mo naman ref yung lalagyan ko nito." Hindi ko alam ang sasabihin, natahimik ako sa pambabara nito. Mukhang napansin nito ang mood ko kaya tumawa ito. "It's not that, I mean is bibili ako ng ref tapos doon ko ilagay 'yan." Inirapan ko lang ito.

Paglabas namin sa mall ay ang dami naming dala, hindi naman sana ganito karami kung 'di dahil dito sa kasama ko. Nahiya pa ako sa may casher kanina kasi pinagkamalan kami nitong mag-asawa.

Mag-asawa, e wala nga kaming label, tsk!

Bumili din pala ito ng ref, pinapa-deliver niya sa apartment ko. May balak atang tumira sa apartment ko.

Pagpasok namin sa dala nitong kotse ay inilagay nito sa likod ang mga pinamili saka nagmaneho pauwi. Pagkarating namin ay andun na nga yung ref sa labas ng apartment ko, nagpatulong siya na ipasok 'yun, ang laki ba naman.

Inayos ko yung mga pinamili ko at ganun din ang ginawa nito, nauna nga lang akong matapos kasi kunti lang yung binili ko. Nag-inat ako at tinignan yung ginawa ni boss, nangalahati pa ito sa pag-aayus. Napairap ako ng palihim, ang dami ba namang binili.

"Need help?" Tanong ko dito, lumingon ito sa'kin saka ngumiti, umiling ito.

"No need, tapos ka na?" Nilapitan ako nito, tinignan niya ang ginawa ko kanina, saka ako hinarap ulit. "Pahinga ka nalang muna dito." He said and led me to the chair, pinaupo niya ako at hinalikan sa nuo. Para akong robot na sumunod lang dito, nakaalis na ito sa harap ko, pero nakatulala pa rin akong naghabol ng tingin dito.

He smiled!

I bit my lower lip, damn. Ramdam ko ang pag-init ng mukha, pinilig ko ang aking ulo at pinanood ito sa ginagawa.

Maya-maya ay natapos ito, lumapit ako sa kanya dala ang pamunas. Tumingala ako, ang tangkad! Napanguso ako at tumingkayad para punasan ang mukha nitong puno ng pawis.

"May dala ka bang extra t-shirt?" Tanong ko nito habang patuloy parin sa pagpunas. Masama sa katawan yung nagpapatuyo ng pawis.

Napatigil ako sa pagpunas ng iniyakap nito ang kanyang braso sa aking baywang at inihapit papalapit dito.

He leaned towards me and kissed me passionately. Ramdam ko ang pag-iingat nito na para bang takot itong masaktan ako sa hawak niya. He gently bit my lower lip and I gasped, that is his clue and entered his tongue inside my mouth, napaungol ako sa ginawa nito at napakapit ng mahigpit sa kanyang balikat. Nagsimula na rin akong tumugon dito, palalim ng palalim ang aming halikan na hindi ko na alam kung saan kami dinala, ang alam ko lang ay sabay kaming naghabol ng hininga nang matapos ang aming halikan. Pinasadahan nito ang aking labi gamit ang kanyang dila saka ako niyakap.

"You have the sweetest lips that I've ever been tasted." Namula ang mukha ko dahil sa sinabi nito, ginawa pa akong uto-uto, pero nagpauto naman ako.

"S-sige na, magbihis ka muna. Basa yung damit mo." Ani ko na nauutal pa.

He chuckled and pinched my cheeks, saka ito umalis sa harap ko at lumabas, I think kinuha ata yung dala niyang damit. Napatingin ako sa cellphone ko ng may tumawag, napakunot ang noo ko ng makitang si Cloud 'yon.

 Chasing You (Henry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon