Chapter Nine: Misunderstanding

408 11 0
                                    

A/N's: Here it goes, I hope sunod sunod na ang update natin yiee...

~~~~

THIRD PERSON

Pagod na sumalampa sa kama si Henry pagkarating niya sa kanyang bahay, parang mabaliw na siya kung ano ang una niyang iisipin, Si Rhaxx ba, yung lalaking kasama nito o tungkol sa Mafia niya.

Damn it!

Inis na bumangon siya sa kama at pumasok sa banyo at naligo, pero kahit naliligo siya iniisip niya parin ang nangyayari kanina.

Fuck!

Sinusuntok niya ang pader at rinig ang pagcrack ng buto nito, namamaga at maraming dugo ang kanyang kamay ng tinignan niya ito. Napamura ulit siya dahil sa frustration.

What is happening to me?! Ano naman kung magjowa sila?

Pero isipin palang niya ay alam niyang nasasaktan siya.

Bullshit!

Lumabas na siya sa banyo at nagbihis tinakpan na din niya ng bandage ang namamaga niyang kamay, at kinuha ang cellphone nito. Tatlong ring palang ay sinagot na ang tawag sa kabilang linya.

"Ey man, what can I do for you." Alam na alam niya talaga na may ipapagawa ako sa kanya, nasabi nalang niya sa kanyang isipan.

"Rhaxx Mendez, give me her information asap!"

"Okay give me five minutes and I'll send it to you through email." Rinig niya ang bilis na pagtype ng keyboard sa kabilang linya, kaya napailing nalang siya.

At gaya nga ng sinabi nito ay nagsend nito ang kailangan niya pagkatapos ng limang minuto, kung mayroon kang inpormasyon na gusto mong malaman ay agad niya itong mahanap sa loob ng maikling panahon lamang, siya ay si Apollion, the great hakker.

Binasa niya ang sinend nito sa kanya at nakita niya kung saan ito nakatira at family background into. Kasalukuyan itong nakatira sa apartment. Hindi binanggit ang kasama nitong kanina at naiinis siya dahil dun.

Tumayo siya at pumunta sa bachelor's bar. Hindi na siya sumakay sa sasakyan at naisipang maglakad nalang kasi malapit lang naman ito sa bahay niya. Pagkadating niya ay agad narinig niya ang malakas na tugtog ng musika.

Agad siyang nagtungo sa isang table at nagpareserve ng maiinom. Pagkadating ng order niya ay agad niyang nilaklakan ito ni hindi nga niya namalayan na dalawang bute na pala ang naubos niya.

May lumapit sa kanyang babae, maganda ito at sakto sa katawan, red lips, tantilizing eyes, perfect curve, and a slut one.

"Hey handsome, want have one night?" Tanong ng babae sa kanya.

"Who are you?" Aniya sa mababa at malamig na boses.

"Shanny, baby." Umupo sa lap niya ang babae at iginapos ang malalantik na kamay sa kanyang leeg.

Lumaklak siya ng alak bago nagsalita. "I don't have time for that, go back to where you belong." Napalukot ang mukha ng babae tsaka nagdadabog na umalis sa table niya.

Napabuntong siya at tumihaya sa kinauupuan. It's been a long time since he didn't do that, mga halos buwan na siyang hindi gumagalaw ng babae simula nung nakatabi niya ang babaeng may mahalimuyak at natural na amoy, sa airport.

Pumikit siya ng mariin tsaka hinayaan ang sariling tumihaya sa kinauupuan. Sa tuwing pipikit siya, nakikita niya ang masayang mukha nito. Isang batang babae na iniwan niya dati, sobrang saya niya nung mga panahon na yun, lageh niyang dinadalaw ang batang babae at masayang maglalaro, hanggang sa umaga nun ng nakapag-empake na ang kanyang mga magulang at isinama siya papuntang London, ni hindi siya nakapagpaalam sa batang babae, alam niya ang pinagdaan nito at mag-isa lang sa buhay. Kaya nung umuwi sila sa Pilipinas ay agad siyang nagtungo dun, pero wala na ang bata dun.

 Chasing You (Henry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon