Chapter Fourteen: Jealous

347 8 0
                                    


RHAXX

Pagkauwi ko sa apartment ay agad akong nagbihis at pumunta sa opisina. Nagta-taxi lang ako kasi sa mission ko lang magamit yung big bike ko. Well, I want to use it though. Pagkarating ko ay pumunta agad ako sa aking table, chineck ko yung schedules ni Sir, may meeting siya ng 9 am, which is 30 minutes from now. Lunch meeting with Marven, ano naman kaya ang pag-uusapan ng mga 'to?

Pagkatapos kong basahin ang schedule niya ay tumayo ako at pumunta sa pinto ng opisina niya saka kumatok. Unang tatlong katok ko ay hindi niya binuksan kaya kumatok ulit ako ng tatlo pang beses saka binuksan ang pinto.

Napahinto ako at napataas ang kilay sa nakita. "Oh, I'm sorry ma'am and sir." Nahinto ang dalawa sa ginagawa, hindi ko alam na may babae palang kasama si sir dito, at naglaplapan pa. Kinuyom ko yung kamay ko sa likod, at yumoko saka nagpatuloy sa pagsasalita. "You have meeting at 9 o'clock, sir. Remind lang kita, mukhang nakalimutan mo e'."

Nagsimula akong umalis ng hindi sila nililingon, rinig ko pa ang pagalit na sita ni sir sa babae at pagsasabing umalis daw ito. Bumalik ako sa aking mesa at inayos ang magulong papel. Kaya pala ayaw lumabas, may kalampongan pala, tsk! Hindi ko namalayan napakumot na pala ako sa papel na hawak, kaya dali-dali ko rin itong binitawan at maharang inaayos yung gusot.

Nakita kong lumabas ang babae at tinignan ako ng masama, parang galit ito dahil nabitin ko sila. Inirapan ko ito at hindi pinansin, maya-maya ay lumabas naman si sir. Pero hindi ko ito tinignan, halos makalimutan na yung meeting dahil may kalampongan pala. Tsk!

Huminto ito sa harap ng mesa ko kaya nag-angat ako ng tingin at tinignan siya na parang wala lang.

"The boards are waiting for you, Sir." Diniinan ko pa yung salitang 'sir'. Kita ko ang pagtiim bagang nito, pero hindi nagsalita. Hindi ko na ito ulit pinansin saka umuna ng lumabas ng CEO's office. Ganito kasi yan, nasa isang malaking kwarto itong opisina niya, tapos sa may living room o ano tawag dito ay makikita yung mesa ko, at may kwarto din si sir Henry sa loob ng kwartong ito. Parang bahay lang.

Umuna akong sumakay sa elevator at pumwesto sa gilid, sumunod naman sa'kin si sir, kaya isinarado ko na ito at pinindot Ang 11th floor kung saan doon magaganap ang pagpupulong.

Tumigil ang elevator at bumukas, nagsimula na akong lumabas ng pigilan ako ng lalaking kanina pa nakatitig sa akin.

"Is there something wrong, sir?" Natigilan ito at binitawan ang braso kong hawak nito.

"No. I mean.. uhm.. yea, go on." Tumango ako dito at inaya ito sa isang pinto na nakasara. Binuksan ko ito at bumugad sa amin ang mga tao na mahalaga sa meeting na magaganap.

May bakante na dalawang upuan kaya sure akong kami nalang ang kulang. Pagka-upo na pagka-upo namin ay nagsimula na ang meeting. Inilabas ko din ang notebook at ballpen saka nagtake note sa mga importanteng inpormasyon tungkol sa nagaganap na meeting.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin kaya tinignan ko ito, isang matanda na nasa mid 50 ang edad na katabi ko. Sinenyasan ako nito na lumapit ng kaunti kaya bahagya akong dumukwang, ngunit bago pa ako mapalapit dito ay pinigilan ako ng lalaki na katabi ko. Sinenyasan ko muna ang matanda na 'teka lang' at humarap sa lalaking pumigil sa akin.

Tinaasan ko ito ng kilay ngunit madilim ang mukha nito, tsaka umigting ang panga. Halatang galit.

Iniba niya ang ayus ng upo ko, nakaharap na ako sa kanya, at siya naman ay nakaharap sa akin. Ibinutones niya ang tatlong butones sa soot ko, kaya para na akong nakaturtle neck. Ang sikip!

Tinanggal ko ang dalawa at akmang tatanggalin ang pangatlo ng pigilan na naman ako nito. Dumukwang ito sa akin at bumulong.

"Don't you dare." Hindi ko nalang itinuloy.

 Chasing You (Henry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon