Chapter Eleven : He's mad

421 19 0
                                    

Warning: Slight spg ahead, you can skip the scene if you want.

RHAXX

Pagkarating ko sa apartment ay agad 'kong ginamot ang aking pilay, si Mark umalis na rin kasi may gagawin daw siya, kahit wala ako sa amin pansin kong hindi na nga nag - uusap sila ng ex niya. Mula din n'on, naging malamig na rin 'tong si Mark. Tsk! Pag - ibig nga naman! Kaya ayokong magkaroon ng serious relationship eh, ako lang yung kawawa 'pag ganun! Tsaka walang forever! Maghihiwalay din kayo!

Nabibitter tuloy ako ng wala sa oras, pero totoo naman kasi, wala naman talagang forever kasi mamatay din naman. Ano kayo immortal? Para sabihin niyong merong forever? Tsaka basi sa napapanood kong mga movies, yung mga bida na namamatay, sabi - sabing "kahit mamatay ako ikaw pa rin ang iibigin ko sa kabilang buhay," "hihintayin kita chuchu.." napapaikot talaga yung eyeballs ko ng wala sa oras, bakit? Sure ba talaga sila na may kabilang buhay? Nakapunta na sila dun? 'di ba wala? Dzuh! Kaya kapag namatay na, finished na.

Pagkatapos kong pahiran ng ointment ang maga ng paa ko ay agad akong kumain, dumaan kami sa McDo kanina at nagdrivethru nalang. Tinatamad akong mag - luto. Natulog na rin ako pagkatapos kong kumain. Pagkabukas ay hindi na masyadong masakit ang paa ko.

Normal lang na araw ang ginawa ko ngayon sa trabaho, pero yung mukha ng boss ko ay wala sa mood, 'di ko na rin pinansin 'yon at tinapos ang huli kong trabahuin, 'yon ay ibigay 'tong mga papel sa HR department at Administration department. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay boss pero 'di niya ako pinansin, inikot ko ang mata ko saka umalis. Bahala na siya d'on basta nakapagpaalam na ako.

Pagkalabas ko ay agad akong pumunta sa Bittersweet Caffe (BC), tinext ako kanina ni Marvin na magkita daw kami dito. Hindi ko alam kung anong kailangan nito at pinatawag ako, kung dati kinikilabutan ako dito ngayon hindi na. Pano ba naman he means no harm daw tapos crush niya ako kaya niya ako kinukulit. Crush daw pero makautos wagas! Sarap bigwasan eh.

Pagkarating ko ay nakita ko itong naghahantay sa isang table, linapitan ko ito at agad na nagtanong.

"Oh? Kailangan mo? Mangliligaw ka na ba?" Umupo ako sa harap niya, inikotan lang ako nito ng mata kaya 'di ko maiwasang mapangisi. Minsan naisip ko ring bakla ito.

Nag - order muna siya ng makakain saka ako hinarap. "Kapal naman ng mukha mo. Crush lang kita kaya manahimik ka. Kung gusto mong mangligaw ako, bakit di nalang ikaw ang mangligaw total ikaw naman may nagsabi n'on." This time, yung mata ko naman ang umikot dahil sa sinabi nito.

"T*ng - ina mo talaga kahit kailan." Tinawanan lang ako nito.

"Joke lang," anito habang tumatawa pa rin. "Be my date tonight."

"Wala ng libre sa panahon ngayon, dapat may sweldo ako, mahal ang bayad kasi ikaw 'yon. Pwede ako maging date mo pero bayad muna" ani ko at inilahad ang palad.

Winakli niya ito kaya napangiwi ako, " 'pag ako may bayad pero d'on sa boss mo ay para kang asong ulol sunod ng sunod?" Tinignan ko ito ng masama.

"F*ck you ka talaga! Ede wag, hindi din naman ako magiging date mo." Inikotan ko ito ng mata saka tumayo, bahala siya sa buhay niya.

"Ito naman, 'di mabiro," Pinaupo niya ako ulit. "oo na, babayaran kita ng 5k."

"10k"

"7k!"

"Ok, 15k."

"Damn! Ba't ka ganyan?" Aniya na tinawanan ko lang.

"Oh ano na?"

"Okay, 15k. Last na yan!"

Tumawa ulit ako saka nakipagkamay dito bilang pagtanggap ng deal.

Pagkatapos nun ay umuwi agad ako at nag-ayos, sinabihan ko siya kanina na sa malapit na shop nalang kami magkikita, umayon naman ito.

 Chasing You (Henry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon