Chapter 11

139 4 1
                                    

"Pasensya na ma'am, wala na po talagang ibang rooms na available. Punuan din po kasi ngayon. Madami ho ang turista lalo't fiesta dito." Napabuga ako ng hangin sa sinabi ng babae. Seryoso, pinaglalaruan yata ako ng tadhana e! Nilingon ko si Kiel at nakita kong agad niyang itinago ang malaking ngisi niya at umiwas ng tingin. Nilapitan niya iyong babaeng nasa front desk.

"Miss, aren't there any rooms available? We'll pay kahit magkano," tanong niya pa. Napailing naman iyong babae.

"I'm really sorry sir. Iyong mga rooms na meron kami ay iyong mga reserved na. Ito na lang talaga ang meron kami for walk-in tourists," sagot naman nung babae.

"Well, we can go and search around. Maybe there's still available rooms out there," Kiel stated.

"No...uh, we'll take that room" I said. Napataas naman ang isang kilay niya habang nakangisi.

"I thought you wanted separate rooms, huh?" he chuckled. Oo, gusto ko sana na separate rooms ang kunin namin but it's already dark outside and it would be very inconvenient if we still go out and search, we're tired from flight. Isa pa, si Kiel pa din ang may dala ng mga gamit ko kasi ayaw niyang ibigay sa akin, I am starting to feel guilty you know. Siguro ay masyado ng mabigat iyon.

"Okay, we'll take that then," sabi niya doon sa babae habang nakangiti.

Napahiga ako sa kama sa pagod. Tiningnan ko muna ang phone ko to see if Selene messaged me. Baka mamaya ay kung ano ng nangyayari doon pero nakita ko na wala naman kaya tinitigan ko nalang ang kisame. Wala pa si Kiel dahil may inasikaso siya sandali and he also offered to get us some food. It is already 10 pm. Dinadamdam ko lang ang katahimikan. My thoughts are slowly consuming me. I just realized... how did I even ended up being here with Kiel? I remembered that I was mad at him because I thought that he cheated on me. I promised to myself that I won't ever let myself near him again. I took all the effort to distance myself... because I thought that I do not deserve being cheated. I left him. But here I am, in the same room with him.

Tumayo ako at pumunta sa balcony, gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin. Natanaw ko ang payapang dagat. Marahang sinasayaw ng hangin ang mga puno pati na rin ang buhok ko pero hindi ko maitatangging malamig ang hanging iyon. Mayroon ding iilang mga tao pa sa labas kahit gabi na, niyakap ko ang sarili ko. I want to stay here for the mean time because of the view but it's very cold. I was about to go back inside when I felt the warmth of a jacket. I turned around and saw Kiel smiling.

"What are you doing here? Filming a music video?" he joked. I laughed at that.

"Thanks for this," I said referring to the jacket. He just nodded.

"Let's eat here. The view's nice," He said at bumalik sa loob. Kinuha niya iyong maliit na mesa at dinala iyon kasama ang mga pagkain. Iniayos niya ang mga iyon saka niya ako pinaupo. We were just sitting on the floor since the table is just low too.

"What were you thinking a while ago?" he asked. Napatingin ako sa kaniya while eating.

"Nothing. Just... random things," I said.

"Like what?" he asked again, still persistent.

"It's nothing important, okay?" I glared at him para tumigil na siya kakatanong. Tinawanan niya lang ako and he suddenly imitated the way how I glared at him, but with exaggeration. Napatawa ako.

"Stop that, you look awful!" I said while laughing.

"Awful, baka handsome."

"Nope, I said awful, Kiel."

"Sus, don't be shy. I know you meant handsome." Pinanlakihan ko siya ng mata dahil doon. He's so full of himself! Tinawanan niya lang ulit ako.

"You look like a tarsier HAHAHA," sabi niya ulit and imitated me again. I glared at him saka ako nagpatuloy sa pagkain.

Only Home (Completed)Where stories live. Discover now