Chapter 2

276 15 2
                                    

Napalingon ako kay Anna nang tawagin niya ako. It was almost 5 pm at kakaunti nalang din ang mga empleyadong natitira dahil pumayag nga akong pwede silang umuwi ng maaga ngayong araw. Andito kami ngayon sa office ko at mayroon akong tinitignang mga proposals habang nakikipagkwentuhan sa kanya, tanaw ko na din ang papalubog na araw mula sa labas at ang kulay orange na kalangitan. Napatingin ako kay Anna na tumayo sa kanyang kinauupuang gray sofa sabay nagligpit ng mga gamit niya at mayroong tinitignan sa phone.

"Aalis ka na?" tanong ko sakanya. Naalala ko na may flight pa nga pala siya papuntang Batanes ngayong gabi.

"Oo e. Kailangan ko pang umuwi ng condo kasi hindi pa ako tapos na mag-ayos ng mga gamit" she said with eyes still fixed on her phone.

"Ano ba oras flight mo?" tanong ko ulit.

"10 pm. Oh paano, alis nako ah?"

Tumango naman ako and she kissed me on the cheeks. Naglakad siya papuntang pintuan while waving her hands. I mouthed 'take care' at pinanood siyang umalis saka ako humarap sa overlooking glass ng aking office.

Tama lang naman ang laki ng opisina ko. Brown, white, gray and black lang ang theme, mayroong malaking table na sasalubong sayo pagpasok sa glass door at doon nakalagay ang nameplate ko. 'Engr. Jasmine Devon K. Sevilla'. Mayroong mga ilaw sa itaas naka-korteng double-helix at sofa kung saan nakaupo si Anna kanina.

Nagpalagay din ako ng mga halaman sa opisina para magkaroon ng buhay. Sa dingding ay nakasabit ang ilan sa mga achievements ko at mayroon akong pyramid glass na stall upang paglagyan ng mga perfumes kong humakot ng magagandang response from the customers. It's more of a collection. Ang pinakaitaas ay ang pabangong pinangalanan kong 'Kiel'. That perfume is somehow sentimental to me kaya siya ang nasa itaas ng pyramid at pinuri din kasi ng ilang mga perfume critics ang pabango kong ito at nagustuhan din naman nila.

Ang opisina ay napapalibutan ng glass wall kung saan tanaw ang city. Naglakad pa muli ako papalapit upang mas tingnan ang labas, nagiging payapa kasi ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang city lights. Nakatayo lang ako doon ng ilang minuto hanggang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa mga papel na pinagpatungan ko at sinagot ang tawag ni Andrew.

"P're, sa'n ka?" bungad niya.

"I'm at my office reading proposals, why?" I sat back on my swivel chair. Narinig ko ang pagbukas niya ng pinto ng kotse sa kabilang linya.

"It's chibugan time P're, sunduin na kita," sagot niya. Oh right! we're heading to Makati pala.

"You really should pick me up, wala akong dalang sasakyan, sumabay lang ako kay Anna kanina," I said.

Pagkapatay niya sa tawag ay nagligpit na ako ng gamit at nagpunta sa parking. Sobrang daldal ni Drew sa biyahe kaya naman nagkaroon na ako ng konting sneak peek sa buhay niya noong nawala ako pero nakatulog din ako halfway.

Pagkadating namin sa restaurant na sinasabi ni Andrew ay agad na sumalubong sa amin ang isang babaeng receptionist. She smiled sweetly at me and smiled even more sweetly at Drew.

Andrew's actually handsome, mas matangkad siya sa akin kahit pa naka-heels ako. Matipuno ang katawan, Maputi at chinito dahil ang mommy nila ni Anna ay isang Japanese. Nakasuot lang siya ngayon ng black sweater at cargo shorts with his specs on but despite of that, humahatak pa din siya ng atensyon.

"Do you have a reservation sir?" the receptionist asked in the most mahinhin voice I could ever hear.

"Ah oo meron, Herrera." Tumango naman ang babae pagkarinig sa surname ni Drew at tinignan ang listahan while still glancing at him na dumadaldal na naman about his life being a filmmaker.

Only Home (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon