Chapter 1

401 11 14
                                    

"So saan ko ilalagay 'tong mga boots?" Anna asked while holding two pairs of my ankle boots, one white and one beige in color. Kadarating ko lang galing Australia yesterday at talagang gusto ko pang matulog sa sobrang pagod but she was so excited to help me arrange my things in the condo. Pumayag na din ako since kailangan kong madaliin ang pag-aayos ng mga gamit dahil papasok na ako sa trabaho the next day.

"Pakilagay nalang muna dyan sa cabinet na white pati na din yung heels na black," I said pointing at the space available. Naglakad naman siya papunta doon.

"How was Australia? Mag-kwento ka naman, you've been there for how many years, dapat ngayon nagtatalak ka na sa mga pangyayari sa buhay mo doon!"

"Australia's okay. Australia pa rin naman." I laughed. "At saka ano naman ang ike-kwento ko sa'yo e palagi naman tayong nagvi-video call?"

"Oh, come on dude, wag ka ngang pilosopo, what I mean is kung meron bang nanliligaw sa'yo or meron ka bang nagugustuhan na Australiano doon?" she said while placing my Dior handbag sa isa pang cabinet along with my other bags.

"Wala nga," I said casually. "Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Ang sabi mo kasi nakamove-on kana sa kanya, kaya I thought na may nagugustuhan ka ng iba," she answered.

"Bakit? Required ba na may magustuhan ako para sabihing nakamove-on na?"

"Hindi naman required, pero in your case kase feeling ko hindi ka pa nagkakagusto sa iba kasi you are still tied with the memories you had with him," she said busy arranging my other bags and not facing me.

"Edi feeler ka."

She glared at me.

"Ang sakit mo magsalita ah! Uuwi na nga ako." She held her chest in a very exaggerated way and acted like nagiimpake ng mga gamit niya kahit wala naman.

"Goodbye HAHA," I just said while placing my make-up brushes sa ibabaw ng vanity table.

"Wala ka talagang pakialam sa akin 'no?" sabi niya returning to her place a while ago. I laughed with that, kahit naman ginaganyan ko siya I am sure that she knows how much I value her. She's been with me through thick ang thin. Ayoko lang minsan sabihin na mahal ko siya kasi baka lumaki ang ulo. Lol.

"By the way, magii-stay pala ako sa Batanes for four days, may kailangan akong ayusin doon," I frowned with that.

"So hindi mo ako masasamahan sa first day ko?"

"Sasamahan kita sa first day mo pero pagkatpos non, flight ko na papuntang Batanes and don't you worry kasi alam naman na nilang ikaw ang may-ari, they'd welcome their boss in a warm way," she comforted me.

I am still sad and nervous in a way. Si Anna ang kinilalang boss ng mga tao doon, kahit na ako ang may-ari ay hindi naman ako naging hands-on sa pagpapatakbo because I had to fix some things in Australia.

"And also, sabi ni Andrew dadalaw daw siya. He missed hanging out with you," she added.

"Talaga?" I gladly asked.

Matagal-tagal na nga since nakapaghang-out kami ni Drew, naging busy din kasi 'yon sa career niya bilang isang filmmaker. Sobrang dami niyang naipo-produce at halos lahat sa mga 'yon ay patok.

"Yes, ang sabi niya ay susunduin ka raw niya after mo sa work." She placed my perfumes beside the bags. She even sorted it according to the colors of the bottles. "Kaya naman don't be sad na, isa pa sobrang excited kaya ang mga workers mo na makita ka, they even follow you on Instagram!" she laughed.

I walked towards her and held both of her hands. "An, thank you ah? Thank you sa lahat-lahat. You managed my business while I'm away and whenever I doubt myself, you're there to cheer me up." I squeezed her hand lightly. I have never been so grateful for having her. She was always there. She then looked at me with fake confusion.

Only Home (Completed)Where stories live. Discover now