Chapter 13

160 3 0
                                    

"What?" tama ba ang narinig ko? Na nagse-selos siya? He can't be!

"Do I have to repeat myself, then?" inirapan niya ako.

"Here's your order ma'am and sir," singit ng waiter at nilapag ang mga pagkain sa harap namin at pansin kong bumubulong-bulong pa si Kiel ng kung ano-ano. Nang matapos ay awkward ko tuloy na sinimulan ang pagkain ko.

Bakit siya magse-selos? Posible bang may nararamdaman pa siya sa akin? Pero hindi pwede, imposible. It's been years! Imposibleng ako pa din. Ang hirap paniwalaan.

"But why?" wala sa sarili kong saad. Pansin ko ang ang pag-angat ng tingin ni Kiel.

"Why would you be?" I added. Kumunot naman ang noo niya. Ibinaba niya muna ang kubyertos bago ako tiningnan ng diretso.

"Why would I be what?" he asked.

"J-jealous."

He immediately smirked.

"Why do you think?" he leaned closer to the table at hindi pa din inaalis ang titig sa akin.

"I-I don't know! Malay ko ba sa mga iniisip mo?" he pushed the insides of his cheeks, looking amused.

"I guess I haven't made myself clear."

"You're not—"

"I still love you, Jade," seryoso niyang saad. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. H-he still loves me? But... but why?

"I-imposible. It's been years! Ikaw na rin mismo ang nagsabi kamakailan na dapat lang bigyan ng hustisya kung ano ang nangyari noon, na para bang handa ka ng bitiwan lahat ng naging alaala natin. No, you're not inlove with me. You seemed ready to let go and now bigla mo na lang sasabihin sa akin na mahal mo ako? Why? Do I look like a joke to you?" bigla siyang natigilan sa mga sinabi ko.

Masyado bang naging halata ang nararamdaman ko para sa kanya para i-take advantage niya ako ng ganito? Na paniwalain akong mahal niya pa rin ako gayong noong isang araw lang bukambibig niya ang hustisya ng nakaraan? Pinaglalaruan niya lang ba ako?

Itinigil ko ang pagkain ko at nag-iwas ng tingin. Wala akong gana sa mga ganitong paandar niya.

"Jade, what the hell are you saying?" sinabi niya iyon sa tonong concerned na parang wala talaga siyang alam.

"Drop the act already Kiel. I won't buy it."

"I'm not! Ano ban'g sinasabi mo?" gulong-gulo niyang tanong. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa saka niya ako tinitigan gamit ang mga matang naguguluhan.

"Jade, tell me. Ano ba'ng ginawa ko? Huwag ka namang magalit nang hindi sinasabi sa akin iyong rason oh," he pleaded. Hindi ako umimik.

"Jade...," tawag niya sa akin. I felt him squeezing my hand gently.

"I already told you, 'di ba? If this is about Veronica, sinisigurado kong walang namamagitan na kahit na ano sa amin. I told you that when we went—"

"In the cemetery?" I cut him off. "Yes, Kiel. You told me that. I remember it. I remember it clearly. I remember everything. Kaya ako naguguluhan sa'yo ngayon! Kung bakit mo sinasabi na mahal mo ako ay hindi ko ma-pinpoint kung bakit!"

"B-but why?" he stuttered.

"Because you said that I deserve to know. That I deserve to know what happened when I left for Australia, what happened to you, to Veronica and her child and everything! And that we should..." I felt pain in my chest. "We should give justice to what happened years ago. You said that Veronica confessed what she really felt, right? Because to her, it's a step to move on. You're also doing the same, Kiel. You're also doing the same thing that time, like you were so ready to let go of everything." I tried my very best not to break in front of him.

Only Home (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora