Prolouge

569 16 5
                                    

"Naghahanap pa ako ng magandang lugar that would suit my taste, ayokong magpadalos-dalos lalo na't starting palang tayo Jade." Tumango-tango ako kay Anna sa screen ng aking laptop. Sabagay ay tama naman siya and at some point, hindi naman ako nagmamadali. Mas okay na din siguro na mag-focus na muna kami sa aming main store na umaani na ng magandang reviews from the market bago kami mag branch-out ng panibago na namang store.

"Kailan ka ba kasi uuwi dito sa Pinas? Sawang-sawa na akong i-manage mag-isa tung Perfume Business mong lumalago!" she hissed on the screen. I chuckled at the look on her face, kung makapagreklamo naman tong kaibigan kong to akala mo hindi siya kumikita sa ginagawa niya.

"Why are you laughing? I really meant that one!"

"May inaasikaso pa akong mga mahahalagang bagay dito, for the mean time ikaw na muna ang mag-manage diyan. Tiwala naman ako sa'yo e. Kaya mo na 'yan!" I said while gesturing my hands as if I'm cheering on her.

"Tss, if I know may iniiwasan ka lang dito e. Ang tagal mo na kaya diyan, almost 6 years! Tapos babalik-balik ka dito and run a business without being hands-on, pasalamat ka sa skills ko at napalago ko ito!" she exclaimed still hissing.

"Kung ganoon, edi thank you HAHA."

"But seriously, kalian ka nga babalik?"

"I think, I'd stay here for three months longer and then I'll head there for good," I said.

I looked at Anna with hesitation in my eyes. Should I ask her about him? May alam kaya si Anna? I know I should not meddle with his life anymore because I kinda know that he's good with it already but...

"Oh ano?" should I ask her?

"Jade, kilala kita mula anit mo hanggang kuko mo sa paa. Kung tatanungin mo ako about kay Kiel, ito lang ang masasabi ko, wala akong alam o balita man lang sa kanya. Simula ng pumunta ka diyan sa Australia hindi nako nakibalita pa sa kanya kasi baka tanungin ako nun kung nasaan ka, pag nagkataon hindi ko alam kung anong sasabihin ko talaga," she explained.

"Hey, I didn't ask!" I defended.

"Well, if you really want to know how he's doing na, better come back here," she added.

"I would do that, pero hindi dahil sa kanya, para sa Perfume Business ko at isa pa, ayoko na siyang guluhin, ayokong makasira ng pamilya. Hindi ko pinangarap yun no." I laughed.

"Sabi mo e."

Tiningnan ko lang siya when she said that, bakit parang hindi kumbinsido?

"Anna, I'd hang-up now," I said when I saw my grandmother at the door of my room gesturing me to finish already whatever I'm doing. Oh gosh, I forgot na may lakad pala kami ngayon! "Take care of the store ha, 2 months old pa lang 'yan!"

"Sa negosyo mo may pakialam ka, pero sa nag-e-effort para magpatakbo wala?" she said with fake tears.

"You're so gross, ewan ko sa'yo HAHA."

As soon as I ended the call, I stood up clearing my mind about the thoughts of him. Siguro nga ay masaya na siya.

I should be also. I shouldn't be left behind. I have to move forward.

kaseytaa

Only Home (Completed)Where stories live. Discover now