PAGKUKULANG

39 1 0
                                    


PAGKUKULANG


Ako nga ba'y iyong mahal?

O pampalipas oras lamang?

Kaya mo bang panindigan?

Ang salitang lagi mong binibitawan


Salitang "hindi mo daw ako iiwan"

Salitang mahirap paniwalaan 

Dahil alam ko namang walang katotohanan.

Pero napaniwala mo ko dahil marupok ito 


Kaya anong magagagawa ko ?

Tuloyan nang nahulog sayo.

Kahit na alam kong walang sasalo, 

Dahil hindi naman ka mahal mahal ang isang tulad ko.


Pero umasa ako

Umasa ako dahil sa pinapakita mo 

Pinapakita mong mahal mo ako

Kahit malabong magkatotoo.


Dahil nakakita ka na ng iba

Nakakita ka na ng iba at kinalimutan mo na ako

Kinalimutan mo na kung ano ba tayo

Kung ano ba ako sayo.


Hindi ko matanggap na dito lang hahantong ang pagsasama nating to

Hindi ko lubos maisip ng dahil lang sa babaeng yun iniwan mo ko

Ano bang meron sya na wala ako?

Ano bang mga bagay ang hindi ko pa naibigay sayo?

Ano ba ang pagkukulang ko?

Pagkukulang na naging dahilan para tapusin mo kung anong meron tayo?



Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now