MGA MANUNULAT

8 0 0
                                    


MGA MANUNULAT


Kayo ang may gawa

Nang akdang kinagiliwan ng madla


Sa taglay niyong talento'y kami'y napahanga.

Sa bawat kuwentong ginawa


Aral na aming natututunan ay hindi mawawala.

Dapat kayong parangalan


Dahil hindi lang saya ang idinulot niyo sa aming puso't isipan.

Hindi mo man ako kilala


Nais kong sabihing iniidolo kita.

Kung sakaling hindi mo man ako makikita


Nais kong malaman mong mahal kita

Nawa'y ipagpatuloy niyo ang inyong pagsusulat


Nang maraming mambabasa pa ang sa reyalidad ay maimulat.

Landas man natin ay di magtagpo


Mananatili kayo dito saaking puso

Hinding hindi makakalimutan kahit na mundo man ay tuluyan ng maglaho.

Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now