PAALAM

7 0 0
                                    

PAALAM

Salitang mahirap sambitin ngunit kailangan

Ayaw ko pa sana ngunit mahirap nang lumaban

Ayaw pa sana kitang iwan ngunit patuloy lang tayong masasaktan

Kapag pinilit pa natin ang pagmamahalan.

Maaaring hindi talaga tayo para sa isat-isa

Siguro may nakalaan pang iba,

Siguro hindi pa talaga ito ang oras para tuluyang maging masaya,

Siguro may tao pang sayo'y magpapasaya, ligayang hindi mo pa naramdaman nung panahong nasa akin ka.

Tanggapin na lamang natin ang katotohanan

Na ang pagmamahalang sinimulan ay may katapusan.

Mahal kita

Ngunit paalam na.



Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now