HALAGA

14 0 0
                                    

HALAGA


Ako nga ba'y mahalaga 

O mahalaga lang kung wala siya?

Mahal nga ba talaga?

O mahal lang dahil may kailangan ka?

Tinanong kita kung anong kulang?

Sabi mo oras lang naman

Ginawa ko lahat maging sapat lang 

Pero may kulang pa palang di ko napupunan

Sabi mo oras ang kulang?

Hindi mo ba ramdam?

Na ginugol ko lahat ng oras maging sapat lang

Pero parang binalewala mo lang 

Binalewala mo lang kaya't sinabi mong doon ako nagkulang 

Pero di mo alam,

kung gaano kalayo ang nilalakbay ko

Masuyo ka lang sa tuwing may di pagkakaintindihan

Gumastos ako ng malaki

Mabigay lang ang yung kagustuhan

Kahit ganto lang naman ang patutunguhan.

Ang di pagkakaintindihang humantong sa hiwalayan.


Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Onde as histórias ganham vida. Descobre agora